Sumitomo, ayaw ipagamit ang Dalian trains sa MRT-3
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2019 - 12:00am

MAGAGASTUSAN nang P9 bilyon ang gobyerno sa muling paggamit ng mga bagon na gawang China sa MRT-3. Ito’y dahil binawal sa rehab contract ng Japan sa MRT-3 ang anumang ibang bagon kung hindi magbayad ang gobyerno ng 50% multa.

Desidido ang Department of Transportation, nagpapa­takbo ng MRT-3 sa EDSA, gamitin muli ang siyam na bagon. Babayaran na nga ang Dalian Corp. maski atrasado ang delivery at sinuway ang specs. Maisasakay ng siyam ang dagdag na 20,000-30,000 pasahero araw-araw. Setyembre pa ito inanunsiyo ni MRT-3 operations manager Michael Capati.

Pero sa hiwalay na rehab contract para sa orihinal na 72 bagon ng MRT-3, tinuturing na paglabag kung gumamit ng ibang bagon ang DOTr. Maari itong talikuran ng kontra­tistang Sumitomo Corp. ng Japan -- maliban kung magmulta ang DOTr ng “factor 1.5 times.”

Ang rehab contract ay P18.8 bilyon. Kaya ang factor 1.5 times, o 50% multa, ay P9.4 bilyon. Tumataginting na P1 bilyon ang multa ng DOTr sa Sumitomo sa paggamit ng bawat isa sa siyam na Dalian trains. Saad ‘yon sa Section 5.3, pahina 20-31, ng kontrata na pinirmahan nina DOTr U-Sec for Legal Affairs Reinier Yebra at Sumitomo managing executive officer Tsutomu Akimoto.

Ang lusot na lang ng DOTr ay kung i-waive ng Sumitomo ang multa at ipagpatuloy ang rehab. Kunsabagay, tila overpriced naman ang P18.8-bilyong rehab. Nu’ng 2017 pinanukala ng MRT Corp., pribadong builder ng MRT-3, na ipagawa ang pareho sa Sumitomo sa halagang $150 mil­yon o P7.5 bilyon -- kalahati -- lang. Noon pa ayaw na ng Sumitomo sa Dalian trains, dahil overweight nang tatlong tonelada kada isa at hindi tinesting ang 94 components para sa safety at reliability.

Samantala, sina DOTr Sec. Arthur Tugade, U-Sec for Rails Timothy John Batan, at Capati ang nagsabing bayaran na ang mga bagon maski depektibo. Presyo: P79 milyon kada isa maski hindi akma sa MRT-3.

MRT
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with