‘Three warfares’ ng China para linlangin ang Pilipino
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - November 5, 2019 - 12:00am

MALAKING pagkatalo ng China ang UN arbitral ruling nu’ng Hulyo 2016 sa usaping South China Sea. Sa pagkatig sa Pilipinas, ipinasya ng korte na: (1) Labag sa international law ang “nine-dash line” claim ng Beijing sa buong South China Sea; (2) Hindi maaring pagmulan ng 200-mile exclusive economic zone ang anomang bahura na okupado ng Beijing; (3) Linabag ng Beijing ang karapatan ng Pilipinas nang agawin nito ang Scarborough Shoal at Recto Bank na nasa EEZ ng Pilipinas; (4) pinalala ng Beijing ang sigalot nang kinongkreto ang pitong bahura ng Pilipinas at ginawang artificial island-fortresses; at (5) winasak ng Beijing ang kalikasan sa pag-reclaim ng pitong bahura at pag-poach sa Scarborough.

Imbes na mahiya at sumunod sa batas ng mundo, lalong ginugulo nito ang Pilipinas sa pamamagitan ng “Three Warfares”. Ito’y ang: (1) estratehikong psychological operations; (2) manipulasyon ng media; at (3) panggagantso sa usaping legal. Ang “san zhong zhanfa” o “three warfares” ay estilo ng People’s Liberation Army ng Chinese Communist Party. Halaw ito sa turo ni heneral Sun Tzu, 2,500 taon na ang nakalipas, na ang pinaka-mabisang tagumpay ay kung mapasuko ng kaaway nang walang madugong labanang militar.

Ehemplo ng estratehikong psy-ops ang pagkukunwari ng Beijing ng pagtulong sa pulubing Pilipinas na minahin ang langis sa Recto Bank kung tatalikuran ng huli ang pagkapanalo sa UN abitration. Kundi’y gigiyerahin ng China ang mahinang Pilipinas.

Kasabay nito ang lantaran at palihim na propaganda sa diyaryo, brodkast, at online na walang saysay ang diplomasya, mapag-kaibigan kuno ang China, at tutulong ito sa pagmina ng gas sa Recto. Kaya dapat pumayag ang Pilipinas sa nais ng Beijing na talikuran ang UN ruling.

Kaakibat ang pagsisingit ng Beijing sa joint exploration agreement ng probiso na ang Recto ay nasa “disputed waters”. Mangangahulugan ito na may karapatan din ang Beijing sa EEZ at yaman ng Pilipinas.

SOUTH CHINA SEA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with