Batuhan ng burak
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - November 4, 2019 - 12:00am

KRITIKO rin ako ng Presidente kapag may mga aksyon siya o pahayag na sa opinyon ko’y wala sa hulog. Ngunit kung ikaw ay isang tagapuna o bahagi ng oposisyon, ka­ilangan mong tiyakin na intelihente at may sentido ang mga isyung inuupakan mo. Kung hindi, mawawalan ka ng kredibilidad. No black propaganda o fake news na babalandra sa sarili mong integridad.

ANG lahat ng pekeng balita ay masama. Pero ang paglalagay ng salita sa bibig ng isang tao, lalu pa’t leader ng isang bansa ay rurok na ng pagiging walang modo. Ito’y patungkol sa nag-viral na pahayag daw ng hari ng Thailand na nagsasabing “King orders PH Duterte to behave during ASEAN Summit.”

Kunsabagay, tila ang mga supporters ng adminis­trasyon o ng oposisyon ay may kani-kaniyang bola ng burak na nakaambang ipukol sa isa’t isa. Puwedeng ito’y kagagawan lang ng mga supporters ngunit masama itong indikasyon. Ipinakikita nito kung paano nagkawatak-watak ang bansa.

Madalas tayong makabasa ng mga negatibong statements laban sa mga opposition personalities na kaakibat pa ang larawan nila pero hindi naman pala sinabi kundi gawa-gawa lang ng mga gustong manira sa kanila. Ito’y nagpapakita ng kawalang kalusugan ng estado ng ating politika.

Natural lamang na magkaroon ng nagngingitngit na reaksyon ang Malacañang sa balitang ito na itinaon pa sa pagtungo ni Duterte sa naturang bansa para dumalo sa ASEAN SUMMIT. Ito raw ay malisyoso at lipos ng masamang intensyon.

Maraming mga isyu laban sa Pangulo na puwedeng batikusin. Kung pabor man tayo o laban sa ilang polisiya ng administrasyon, may laya tayong pupunta sa paraang edukado. Wika nga, pataasin naman natin ang antas ng ating pamamahayag o level of discourse.

ASEAN SUMMIT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with