^

PSN Opinyon

Ang patibong ng sangla-tira modus

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

PANGUNAHING pangarap ng bawat Pilipino ang magkaroon ng sariling bahay. Ito rin ang isa sa mga unang dahilan ng mga sumbong na dumarating sa aming tanggapan -- problema sa lupa’t bahay. Iba kapag pag-aari na ang pinag-uusapan, talagang ilalaban pa ng patayan ng ilan. May nakausap pa ako noon na mahigit 80-anyos, magkaubusan man daw ng lahi kaysa mapunta sa iba ang kanyang lupa’t bahay. Kaya nauuso ang modus na sangla-tira. Pinakamabilis kasi na paraan ito na maka-acquire ng lupa’t bahay kapag personal na isinanla ng isang kakilala.

Ginagamit na collateral ang isang property sa pagpapautang. Hindi ibabalik sa may-ari ang isinanglang bahay hangga’t hindi nito nababayaran ang utang na may patong pang interes. Sino nga ba naman ang hindi maaakit. Libre na ang pagtira mo sa bahay, may interes pa ang pera mo at kapag nagkataon, maaaring mapasaiyo na ang sinanlang bahay. Kuwidaw, ang mga pagnanasang ito ang patibong ng sangla-tira modus. Magugulat ka sa huli, marami pala kayong pinagsanglaan, hindi mo rin puwedeng matirahan ang bahay at pinakamasaklap, hindi ka na mababayaran pa. 

Bago mag-Undas, isang ginang ang sinamahan ng BITAG Investigative Team para patunayang, na-modus siya. Nakita raw niya sa isang post sa Facebook ang isang bahay na isinasanla sa Santolan, Pasig. Pinuntahan naman daw niya ang property at nakausap mismo ang may-ari nito. Kasalukuyang may nakatira subalit aalis na rin daw kung isasanla sa kanya ang bahay para siya na ang umukopa. Dala ng excitement at tiwala, agad niyang pinakawalan ang P60,000 para agad siyang makalipat. Eto na, 2 buwan na ang nakalipas, hindi pa rin siya makalipat kaya lumapit siya sa BITAG. Ora mismo, I sent my Investigative Team on a mission to figure out what exactly is happening. Kasama ang barangay at PNP Santolan, Pasig City, sinadya ng aming team ang bahay ng kanyang inirereklamo.

Tulad ng inaasahan, umamin agad ang aming pakay. Matagal na niyang modus na isangla kung kani-kanino ang lupa’t bahay na nakapangalan sa kanyang asawang nasa Amerika. Umamin ang kolokay na marami na siyang nabiktima. Kaya ‘di na kami nagulat ng magsulputan sa barangay hall ng Santolan, Pasig ang iba pang biktima. Ang tanging magagawa ng BITAG, i-expose at magbigay ng babala sa iba na huwag pumatol sa alok na tulad nito. Tapos na kasi ang transaksiyon ng inirereklamo sa mga biktima, korte na ang magpapasya oras na ‘di niya maplantsa ang gusot sa kanyang mga niloko. Nangakong babayaran ang mga biktima but I doubt na mangyayari pa ito. Kaya nagdesisyon ang barangay na bigyan ng certificate to file action ang mga nagrereklamo’t sabay-sabay na magsampa ng kasong syndicated o large-scale estafa.

Mga boss, hindi kami magsasawang magpaalala na maging maingat at mapanuri sa mga gagawing transaksyon. Madalas gusto natin ng mabilisang deal. Pero iba pa rin ang nag-iingat at nagiging mapanuri lalo’t hindi biro ng halaga ng pera ang sangkot dito. Uploaded ang istoryang ito sa aming YouTube channel BitagOfficial. Panoorin, dahil baka ang katransaksiyon niyo sa mga oras na ito ay ang parehong taong inireklamo sa modus na ito.

vuukle comment

LARGE-SCALE ESTAFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with