^

PSN Opinyon

Mindanao

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

BANGKOK, Thailand --- Totoo dumadaan ngayon ang Mindanao sa isang napakatinding  pagsubok bunsod ng series nang malalakas na lindol na tumama simula pa noong October 17 sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.

Kaya nga kahit na nandito ako ngayon sa Bangkok para sa 35th ASEAN Leaders Summit, hindi maiwasang ang iniisip ko ay kung ano na ang nangyayari sa Min-danao. 

Pati si President Rodrigo Duterte ay nakatutok pa rin sa Mindanao kahit na nakihalubilo rito sa ibang ASEAN leaders.

Masaklap lang na sa gitna ng trahedyang ikinaharap ng ating mga kababayan sa katimugan, may mga tao pa ring nag-iisip nang hindi maganda.

May nangungutya sa sitwasyon ng mga taga-Minda-nao ngayon na sana ay lalamunin ng lupa. May isa pang nagsasabing isang retribution ang nangyayari na mga lindol at aftershocks nito.

Ganito na lang -- kung sinabi mong lalamunin ng lupa ang mga taga-Mindanao, sana sa pagdating ng halalan sa 2022, sabihin mo sa mga kliyente mong pulitiko na huwag nang ilagay o mangampanya sa Mindanao. Alisin mo sa inyong target audience o voters dahil nga nilamon na kami ng lupa.

At paki-delete na rin ang Mindanao sa iyong target market sa kung anumang mga produktong hinahawakan o nilalako mo dahil kaming mga taga-Mindanao ay mga multo na pagkatapos naming lamunin ng lupa dala ng lindol.

At pagkatapos ng lahat ng ito, mananaig pa rin sa amin ang pusong Mindanao kahit sabihin mo pang nilamon na kami ng lupa. ‘Yan ang hindi mo nakikita at naiintindihan.

Babangon ang Mindanao. Tandaan mo ‘yan. Baba-ngon kami.

vuukle comment

ASEAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with