^

Nasa sementeryo ka ba habang binabása ito?

SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - November 1, 2019 - 12:00am

LALO na kung nag-iisa kang dumalaw sa iyong mga patay o mahina ang loob ng kasama mo ngayon sa sementeryo, maging alerto. Maraming kababalaghang nagaganap diyan. Naalala ko ang isang Undas na ginabi ako ng dating sa puntod ng pamilya at nakaalis na silang lahat matapos kumain. Habang nagdadasal napansin ko ang supot sa gilid ng lapida. Biglang umihip ang hangin at namatay ang kandila. Kinikilabutan, kinapa ko ang supot -- malambot ang laman. Dahan dahan ko itong binuksan, pero dahil madilim hindi ko makita ang laman. Ipinasok ko ang isang kamay at naramdaman kong malamig at malagkit ang nasa loob. Napasigaw ako: “Kutchinta!” Talagang maaalahanin ang pamilya ko; nag-iwan sila ng paborito kong meryenda!

Nabili ng tiyo ko ang kabayo ng pastor sa baryo. Para palakarin ang hayop. Sabihan mo lang ng “Salamat sa Diyos”, at “Amen” para pahintuin. Tuwang-tuwa, namasyal si Tiyong sa bulubunduking asyenda. May tumawid na ahas sa daanan at kumaripas nang takbo ang kabayo. Sa kali­tuhan nakalimutan ni Tiyong kung paano ito pahintuin. Napa­dasal siya ng mabilis na Ama Namin, at pagdating sa “...kaluwalhatian magpasa-walang hanggan, amen” bigla itong huminto. Mabuti na lang, kasi nasa gilid na sila noon ng ba­ngin. Napabuntong-hininga si Tiyong, at nagsabing, “Haay, salamat sa Diyos!” At....

Dumating ang bilyonaryo sa simbahan at sinabi sa pari, “Father, ipapalibing ko sana rito ang pinakamamahal kong aso na namatay kanina.” Tumanggi ang pari, “Aba hindi puwede ‘yan.” Nanghihinayang, sinabi ng bilyonaryo na, “Sayang, balak ko pa naman mag-abuloy sa simbahan ng P1 milyon.” Hinabol ng pari ang paalis nang bisita: “Bakit hindi mo agad sinabi na ka-relihiyon ko pala ang aso mo.”

Dasal ko sa nitso ng lolo kong bus driver: Sana ang aking pagpanaw ay maging katulad niya na mahimbing na natutulog, hindi tulad ng mga pasahero niya na naghihiyawan sa sindak.

DIYOS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with