Natupok na paputok
REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2019 - 12:00am

BER-BER months na nga. Hindi lamang dahil sa luma­lamig na panahon o di kaya ay sa mga awiting pampasko ni Jose Mari Chan. Alam nating matatapos na ang taon at palapit na ang 2021 dahil napag-uusapan na muli ang paputok.

 Ang usapang firecrackers ay hindi nawawala sa kuwento ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ang Davao City na matagal nitong pinamunuan ay may matagum­pay at makasaysayang karanasan pagdating sa mga papu­tok. Maituturing itong modelo o magandang halimbawa para sa bansa dahil nagawa ni PRRD na ipagbawal ang paputok sa kanyang lugar. Kaakibat nito siyempre ang kaukulang pagkawala ng mga pinsalang dulot ng paba­yang paghawak ng mga paputok.

Ang Davao nga sana ang pinamumukha ng Pangulo tuwing napag-uusapan ang paputok. Nang siya’y nanga­ngampanya pa sa pagkapangulo, siniguro niya na ipapatupad din sa buong Pilipinas ang kanyang paghigpit sa kanyang lungsod.

Mula nang siya’y nanalo, isinulong nito ang mahigpit na pagpapatupad ng batas laban sa paputok. Ito ang pagbabawal na ginawa ng mga mambabatas sa ma­sya­dong malalakas at mabigat ang kalibre na paputok. Taun-taon mula nang 2016 ay ganito ang dinig natin sa Pa­ngulo. Ang sigaw lagi ay ipagbabawal na ito ng tuluyan at tanging fireworks na lang ang papayagan – mga lusis na walang pasabog  ang papayagan.

Kaya nakakapanibago na tila naiba sa taon na ito ang kanyang pahayag na ipauubaya na sa mga lungsod at bayan ang pagkontrol sa paputok sa kani kanilang lugar. Mula sa isang mahigpit na pamalakad, malinaw na ni-relax na ng Pangulo ang kanyang pananaw dito. Dahil hindi nga naman bawal ang lahat ng uri ng paputok, nasa higpit na rin ng kapulisan at lokal na pamahalaan ang mangya­yari sa bawat lugar – kung ito’y magiging modelo ng ka­ayusan o ng kawalan ng disiplina.

Sana ay napangatawanan ng Pangulo ang dati nitong galit sa mga paputok dahil hindi pa rin maitatatwa na delikado nito. Subalit dahil hindi naman ito bawal sa batas, sa huli ay nakasalalay din sa bawat isang lugar ang sarili nitong kapalaran.

JOSE MARI CHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with