^

PSN Opinyon

Pag-aralan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Pababa na naman ang lebel ng Angat Dam. Kaya may mga schedule muli ang Maynilad at Manila Water ng inter­ruption. Hindi masyadong nag-uuulan ng mga naka­ra­ang buwan. Kadalasan ay Setyembre hanggang Dis­yem­bre pumapasok ang mga bagyo. Sa ngayon, wala pang nama­mataang bagyo.

Tanging ang ulan lang ang pinanggagalingan ng tubig ng mga dam. Kaya kung walang ulan, wala talagang tubig. Wala pang mga malalaking planta ang bansa na nakakatanggal ng asin ng tubig dagat o desalination tulad ng mga bansa sa Middle East. Isa rin sana iyan na puwedeng panggalingan ng suplay ng tubig. Pero sa aking pagkakaalam, mahal ang teknolohiya lalo na kung malaki ang operasyon kaya baka mahal lalabas ang tubig na malilikha. Pero ito rin sana ang isang bagay na dapat pag-aralan ng gobyerno.

Ang Saudi Arabia ang may pinakamalaking planta ng desalination sa mundo na may kapasidad na 117 milyong cubic feet kada araw. Hindi nakapagtataka dahil mayaman ang bansang ito. May 120 bansa ang gumagamit ng desalination. Maraming proseso para matanggal ang asin sa tubig-dagat, pero ang kilala ng marami ay ang re­verse osmosis na ginagamit ng ilang bottled water company sa bansa. Isipin na lang kung malaking planta na kayang tapatan ang nasa Saudi Arabia. Baka wala nang problema sa tubig ang bansa.

Pero mahal pa ang teknolohiya. Ang ulan pa rin ang inaasahan. Parang hindi nga tag-ulan ngayon. Natatandaan ko na sa aking kaarawan ay kadalasan ay sunud-sunod ang bagyo. Wala ngayon. Hindi ko sinasabing mag­kabagyo nang malakas. Sana magdala lang ng tamang dami ng ulan para sa taong ito.

vuukle comment

PAG-ARALAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with