^

PSN Opinyon

Pangho-hold ng passport ng mga LRA!

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ILANG beses ba kailangang isiksik sa kukote ng mga pasaway na Local Recruitment Agencies (LRA) na bawal mag-ditine ng pasaporte ng mga aplikante? Lalo na’t ang kapalpakan at may panloloko ay kagagawan ng agency mismo, nanghihimasok na ang Bitag Pambansang Sumbungan.

Sandosenang aplikante pa-abroad ang dumating sa aking tanggapan nitong Huwebes. Humihingi ng saklolong makuha ang kanilang mga passports na iniipit ng kanilang isang manpower agency.

Ang kanilang inaplayang trabaho --- factory worker sa Japan. Sa katunayan, magmula sa Facebook ad hanggang sa kanilang orientation ay patungkol sa Japan ang pinag-usapan.

Laking gulat nalang ng mga ito noong papipirmahin  na sila ng kontrata. Domestic helper ang kanilang trabaho sa isang bansa sa Middle East!

Galawang trabaho hindi ba? May nakahandang patibong ang BITAG sa ganitong mga loko-lokong ahensiya.

At tulad ng inaasahan, lumabas sa record ng Manila City Business Promotions and Licensing Office, walang license to operate ang inirereklamong recruitment agency. Nagsulputan ang mga LRA ngayon sa Pinas, may POEA license nga, wala namang mga permiso na magnegosyo sa mga kinalalagyang lugar!

Ang mga hinayupak, kaylalakas ng loob gumawa ng kabulastugan, numero unong lumalabag pa sa simpleng pamantayan ng lungsod. Porke’t may mga POEA license akala’y makakalusot ng gawin ang kanilang mga kalokohan na naglalagay ng panganib kadalasan sa mga pobreng aplikante.

Kasama ng BITAG ang grupo ng MTCB at pulis-Maynila. Ang misyon, bawiin ang mga pasaporteng iniipit ng recruitment agency.

Humarap naman ang nagpakilalang general manager ng agency. Nagmatigas, hindi raw ibibigay ang passport ng mga nagrereklamo  hangga’t hindi binabayaran ang inabono nilang pang-medical ng mga ito.

Nag-inarte pa, biktima rin daw sila ng ahente ng mga nagrereklamo na kanila namang trabahador sa kumpanya. Nasa NBI na daw ang kasong isinampa nila kaya maghintay muna sa resulta.

Madiin ang mensaheng ipinadala ko sa mga BITAG investigators na kaharap ng dakdakerang GM. Ipinagbabawal sa batas ang paghawak ng passport nang hindi sa‘yo.

Ang Philippine passport ay maituturing na pagmamay-ari ng Republika ng Pilipinas at tanging ang may-ari lang nito ang may karapatang mang-angkin dito. Hindi naman daw siya ang nangako sa mga aplikante na papuntang Japan dahil lahat ng kanilang dokumento ay pa-Middle East.

Kasalukuyan akong nasa isang mahalagang pagpupulong noong mga oras na iyon. Pero pinaglaanan ko pa rin ng panahong kausapin ang nagmamatigas na GM sa telepono.

Mensahe ko, ayoko sa lahat ay sinungaling, ibalik mo ang passport. Matapos kaming mag-usap, nag-iba ang ihip ng hangin. Bumait si Madam, ibinalik lahat ng passports.

Sa tulong ng lokal na pamahalaan, barangay at lokal na pulis, sisiguraduhin ng BITAG na laging may kalalagyan ang mga LRA na tulad nito. Marami pa sila, siguradong marami pa rin ang dadating na reklamo sa BITAG, at marami pa rin kaming patibong para tuldukan ang mga ganitong gawain.

vuukle comment

LOCAL RECRUITMENT AGENCIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with