^

PSN Opinyon

Magbago ng direksiyon sa taniman, hayupan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

AGOSTO 2018 nu’ng kumalat sa Europe at Asia ang African Swine Fever. Hindi sapat ang mga ginawa ng Department of Agriculture para maiwasan ang pagpasok nito, lalo na mula sa mga kapit-bansang China at Vietnam. Malamya ang foot wipes sa international airports, pagmobilisa sa ibang ahensiya ng gobyerno, at pagturo sa publiko kung paano ito maiiwasang kumalat. Nang magbabala ang hog raisers na magigiba ang P260-bilyong industriya dahil sa hindi nagagamot na ASF, sininghalan sila ng pamunuan ng DA. Abril 2019 na nang malaman ng Customs bureau ang tungkol sa ASF, kaya noon lang naghigpit sa pork imports. Dapat ipaalam na walang bakuna sa ASF. Agad mamamatay ang baboy na tamaan. Hindi nahahawa ang tao. Pero ang kamay, damit, sapatos, kagamitang pagkatay o pamproseso ng pork ay carrier ng sakit.

Nagmamahal ang poultry sa palengke. Mahigit P40 per kilo ang itinaas ng presyo ng manok, mula P125 nu’ng Agosto hanggang naging P165 nu’ng Setyembre. Dahil ito sa pagkonti ng chicken supply mula China, na kinapos ng feeds nang makipag-trade war sa America. Ang dapat na tugon ay dagdagan ang produksiyon mula sa kasaluku-yang 1.3 bilyong kilo kada taon. Mabuti’t nagtatayo ang San Miguel Corp. ng isang dosenang feed silos sa kapuluan, para maangkat ang maraming patuka. Bukod sa contract-growing ng manok, magko-contract-breeding din ito ng paitlugin. Gagamitin ito ng Purefoods, na kapos sa domestic supply para sa hotdogs. Bagong estratehiya nito ang food ready-to-eat.

Bagsak ang presyo ng palay. Naging P7 kada kilo na lang nu’ng Hulyo-Agosto. Lugi ang mga magsasaka mula sa puhunan na P12 kada kilo. Maysala rito ang National Food Authority, na nag-import ng 4 milyong sako ng bigas. Kailangan maibalik ang tiwala ng magpapalay sa sistema; karaniwang edad nila’y 60-anyos. Ayaw ng millennials pumasok sa agrikultura. Sana engganyuhin sila ng teknolohiya. Ehemplo: Aerial drones sa pagpastol, computers sa patubig, at weather satellites sa tanim.

vuukle comment

AFRICAN SWINE FEVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with