^

PSN Opinyon

Pahalagahan palagi ang ating magsasaka

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

HUWAG na sana maulit ang mga nakalipas na pagpapabaya sa ating mga magpapalay. Bumagsak ang presyo ng palay sa P8 lang kada kilo. Mula ‘yon sa dating P17.50 per kilo. Nalugi ang mga magsasaka. Mas malaki ang gastos kaysa kita. Nawawalan na sila ng gana. Ang karaniwang edad ng magpapalay ngayon ay 60 anyos.

Nangyari ito maski kapapasa pa lang ng Rice Tariffication Law. Sa batas na ito pinangakong mabibiyayaan ang mga kumakain ng kanin at mga magsasaka ng palay. Ito’y dahil kahit sino ay maari nang umangkat ng bigas -- hindi lang iilang taga-price cartel -- basta magbayad lang ng 50% import duty. Ang bilyon-bilyon pisong makokolekta ng Bureau of Customs ay gagamitin namang pambili ng ani ng mga magpapalay sa halagang P17.50 per kilo-pataas. Ipangtutustos din sa binhi, pataba, pestisidyo, pang-ani, at patuyuan. Naglaan pa nga ang Kongreso ng paunang P10 bilyon para sa mga ‘yon, habang iniipon pa ang kita mula sa 50% na taripa sa imports.

Pero ito ang nangyari. Habang tinatalakay pa lang sa Kongreso ang panukalang rice tariffication, namili ang Na­tional Food Authority mula Thailand at Vietnam ng apat na mil­yong sako ng bigas, at inimbak sa lahat ng bodega sa bansa. Ito’y bagamat tag-ani noon. Punung-puno ng imported stocks ang NFA. Tapos, nang maipasa ang batas at habang sinu­sulat ang implementing rules and regulations, binawi ng Budget department -- panandalian lang umano -- ang pa­unang P10 bilyong pabuya sa mga magpapalay. Isinoli ang kalahati sa National Treasury, ginasta ang P4 bilyon sa ibang proyektong pangsakahan, at P1 bilyon lang ang natira.

Doble-tama ang magpapalay. Kung hindi pa inutos ni President Rody Duterte, hindi maibabalik nang buo at agad ang P10 bilyon.

* * *

Makinig saSapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

RICE TARIFFICATION LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with