Bahayan at tindahan nila sasagasaan ng subway
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

LAHAT nais ang progreso. Pero kung ang ibinabande­rang “progreso” ay ikayuyurak sa pinaghirapang bahay at lupa, natural lang tumutol. ‘Yan ang paliwanag ng mga naninirahan sa Parañaque na tatamaan ng paggawa ng Metro Manila subway. Sila’y taga-United Hills Village, United Parañaque Subdivision-2, Malugay, Makati South Hills, at East Service Road. Sinabihan sila na ie-expropriate ang ari-arian nila para sa isang kaiisip pa lang na “Bicutan station”.

Ang mga pananatilihin doon ay dadanas naman ng polusyon, ingay, at yanig ng lupa sa konstruk­syon at operasyon ng subway trains. Umaangal sila dahil wala naman Bicutan station sa 15 inanunsiyo ng gobyerno noon pang 2017-2018.

Ang dulong istasyon ay sa malawak na Food Terminal Inc., Taguig, isang kilometro mula sa mga komunidad nila. Kaya ang tanong nila: Pinag-aralan ba nang husto ang subway bago ito sinimulan sa halagang P357 bilyon? Sila na rin ang sumagot sa tanong: Walang pag-aaral dahil hindi binigyan ang Parañaque city council ng mga plano sang-ayon sa Local Government Code. Ayon sa batas, dapat kinunsulta muna ang mga maaapektuhan.

Sa hilagang dulo ng 36-km subway -- Quirino Highway, Mindanao Avenue, at Tandang Sora, Quezon City -- nauna nang tumuligsa si Konsehal Victor Ferrer. Gayundin, aniya, dapat idaan muna ng subway planners ang detalye sa konseho, dahil pito sa 15 istasyon ay nasa QC. Mga baha­yan at tindahan ang tatamaan ng mga istasyon. Kundi man ay haharurot sa ilalim ng lupa nila ang tren nang 80 kph, kaya bubulabugin sila ng yanig, ingay, init at usok mula sa bentilasyon.

Marami pang bahayan at tindahan ang tatamaan at hahagingan sa Anonas at Katipunan, QC. Nababahala ang mga taga-tahimik na White Plains, Corinthian Gardens, Corinthian Hills, at Green Meadows.

Ang nakakakilabot sa lahat, tatawid ang subway sa West Valley Fault Line. Magiging peligroso ito sa lindol at liquefaction. Bahain din ang ruta, batay sa pagsusuri ng mga eksperto kaya kinontra nila ito.

METRO MANILA SUBWAY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with