Nasampolan si Gen. Escobal
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

DAHIL sa pa-jueteng ni Rudy Santos, napasama sa pagsibak si PRO5 chief BGen. Arnel Escobal, kung sabagay hindi naman halata ang pagtanggal sa kanya sa puwesto dahil nagkataon na binalasa ni PNP OIC LtGen. Archie Franscisco Gamboa ang mga opisyales ng kapulisan ma­tapos na ipag-utos ni Pres. Rodrigo Duterte. Ito ang kauna-unahang aksyon ni Gamboa matapos italagang Officer-In Charge nang mag-file ng “non-duty status” si dating PNP chief Gen. Oscar Albayalde. Wala namang ma­giging sagabal sa naging aksyon na pagbalasa ni Gamboa dahil dumaan naman ito sa Napolcom, kaya sigu­radong legal ito sa imahe ng kapulisan, hehehe! Ang masama ang loob dito ay si Escobal dahil kung ka­ilan tumitining na ang takbo ng pa-jueteng ni Santos sa  22 lungsod at bayan ng CamSur ay saka naman siya nasibak.

Matindi rin ang ginagamit na padrino ni Santos kaya walang makahahadlang sa kanyang negosyo.

Ang masakit nito ay nakakaladkad ang magandang reputasyon nina Governor Migs Villafuerte at Rep. Elray Villafuerte at ni PNP Provincial director Col. Roderico Roy Jr. Walang bukambibig si Santos sa mga sumisita at pumupuna sa kan­yang illegal na pagpapatakbo ng jueteng kundi ang mga pangalan nina Villafuerte at Roy. Maging ang kanyang umanong overall coordinator ay isang talunang pulitiko na pinsan naman ng bagman umano ni Villafuerte.

Subalit­ mukhang nasa kamay na ngayon ni Gamboa ang magi­ging kapalaran ni Santos at Nonoy Magtoto dahil noong mag-asume si Gamboa ay tahasang pinangalandakan nito na “no take policy” siya sa gambling ope­ration. Kaya dito na siya masusukat ng mga Bicolano, ‘di ba mga suki?

Kung gusto talaga niyang burahin si Santos sa CamSur, madali lang naman umano, wala siyang gagawing kundi ang tawagan si Col. Roy Jr at siguradong wala nang usap-usapan pa. Malaking insulto kasi ito kay Gamboa kung patuloy na mag-operate ng jueteng si Santos sa CamSur, kasi nga hindi lamang mga Villafuerte umano ang inaanggihan niya ng datung kundi maging ang opisina ni National Bureau of Investigation director Dante Gierran, PNP Criminal Investigation and Detiction Group sa Camp Crame.

Papayag din naman kayang mapulaan ang magandang pangalan nitong in-coming director ng CIDG na si Jegs Coronel na masangkot sa koleksiyon ng jueteng? Iyan ang ating aabangan mga suki? Kaya kayo diyan na mga suki ko sa Bicol, ipagpatuloy lang ang pagpaparating ng inyong mga reklamo sa akin at bahala na akong bumanat sa mga iyan. Abangan!

ARNEL ESCOBAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with