Nagkagulo dahil sa basura
IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

(Last part)

HINDI nakumbinsi ni Grace ang MTC at hinatulan siyang makulong mula 1 taon at 1 araw sagad hanggang 1 taon, 8 buwan at 1 araw dahil sa grave oral defamation. Pinagbabayad din siya ng P20,000 moral damages kay Gina. Pareho ang naging hatol ng RTC at CA nang umapela siya sa desisyon. Napatunayan daw ang pagbibitaw ng masasakit na salita ni Grace kay Gina at may mga testigo pa na nagpatotoo nito. Hindi raw uubra ang basta pagtanggi ni Grace sa nangyari.

Pag-akyat sa SC, nabago ng kaunti ang desisyon. Nagkasala lang daw si Grace ng slight oral defamation at pinagbabayad ng multang P200 pati kulong kung hindi makabayad at P5,000 bilang danyos o moral damages.

Ayon sa SC, totoong nakakasakit ng damdamin ni Gina ang mga salitang binitawan ni Grace. Pero ang basehan kung paano masasabing mabigat o magaan lang ang naging paninira ay depende sa estado, edad, katayuan sa buhay ng biktima, sa personal na relasyon nila ng akusado, pati na sa mga nangyari bago naganap ang krimen na magpapatunay na totoong sinadya itong gawin ng akusado o nagkataon na bunsod lang ng galit at sitwasyon. Kung ang huli ang nangyari ay magaan na krimen lang ito na ituturing.

Sa kaso ni Grace, napatunayan na talagang sinabi niya ang masasakit na salita laban kay Gina. Pero walang ebidensiyang ipinakita kung paanong si Grace talaga ang nag-umpisa ng gulo dahil nga sa pagsasaboy ng mga tuyong dahon sa kanyang bakuran ng mga bata ayon sa utos ng kung sino. Wala ring ibang testigo na sumuporta sa kanyang testimonya dahil ang lahat ng kanilang sinabi ay patungkol lang sa oras na nangyari ang pagmumura at pagbabangayan ng dalawang babae. Inamin din naman ng mga testigo na nasa loob sila ng bahay nang mag-umpisa ang pagkakagulo ng dalawa. Kaya kahit pa sinabi nga ni Grace ang lahat ng masasakit na salitang ibinibintang niya kay Gina ay malinaw na napikon lang siya at dahil udyok lang ito ng kanyang matinding galit (Ramos vs. People, G.R. 226454, November 20, 2017).

SC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with