Inutil na POEA! Dept. of OFW, pasok!
BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2019 - 12:00am

KAMI sa BITAG, ang Pambansang Sumbungan-Ak­siyon Ora Mismo, nakikita namin kung ang isang tanggapan ng pamahalaan ay may silbi o palamuti lang.

‘Yung mga may silbi, agad kumikilos at nakikipagtulungan. Tulad ng LGU-BPLO, lokal na pulis at barangay, walang patumpik-tumpik, nakikipagtulungan agad.

Etong Philippine Overseas Employment Administration (POEA), ang tanggapan ng gobyernong nagbibigay ng lisensiya sa mga recruitment o manpower agency na nagpapalabas ng mga trabahador sa abroad, may pagka­inutil.

Makailang beses nang nakaengkwentro ang BITAG ng mga balahurang recruitment agency kung saan ‘yung kanilang napaalis na trabahador bumalik ng Pinas dahil nagkaproblema sa employer.

Balik Pinas dahil iba ang pinirmahang kontrata sa Foreign Recruitment Agency na alam mismo ng Local Recruitment Agency (LRA). Eto ang katarantaduhan, hindi na nga tinulungan habang nasa panganib sa kamay ng dayuhang amo, sinisisi pa ang mga OFW sa sinapit nila.

At ang POEA na otoridad sana sa ibabaw ng mga re­c­ruitment agencies na ito, satsat lang, porma lang. Diretsahan na, tamaan kung sinong tatamaan, napatunayan na namin ito.

Makailang beses nang lumapit ang BITAG sa POEA para sumama at aktuwal na makita ang asta ng mga lisen­siyadong barubal na inirereklamong agency.

Nitong nakaraang Huwebes, kagagaling lang ng aming grupo sa POEA, ayaw sumama.  Isu-summon na lang daw dahil katwiran ng POEA, rehistrado at lehitimo raw kasi ang agency!

Dagdag pa ng POEA, maliban na lang kung walang lisensiya ang isang inirereklamong recruitment agency, kaya ito ng kanilang Task Force.

Ako si Ben Tulfo, magsasalita ng walang preno, para sa akin, katarantaduhan ang katwirang ito.

Dahil karamihan sa umaabusong recruitment agency ay ‘yung may mga lisensiya! Malakas ang loob dahil sa ganitong sistema ng POEA at may mga padrinong pulitiko.

Para matuldukan ang ganitong mga kalokohan, kinakailangang magkaroon na ng Department of OFW. Para ang mga barubal na recruitment agency, masampolan!

Kinakailangang ang maging sekretaryo rito ay hindi isa na namang pulitiko o kung sinong chuwariwariwap.

No holds barred, O Tol Erwin bagay sa’yo ‘to. ‘Pag may pumalag diyan, kiskis mo mukha sa inidoro, sa likod mo ako! Period!

OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with