Gamot, “ginto” sa Pilipinas
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2019 - 12:00am

BATID niyo ba na ang presyo ng gamot sa Pilipinas, kahit pa generic ay apat na beses na mas mahal kumpara sa halaga nito sa ibang bansa? At lalung nakapanlulumo na dalawampu’t dalawang beses na mas mahal ang bran­ded medicines kung ihahambing sa presyo sa ibang bansa.

Kung saan pa maraming nagdarahop na mamamayan­ ay doon pa napakamahal ng medisina na tagapagligtas ng buhay. Paano na ang mga mahihirap na nagkakasakit?

Kaya kinakatigan natin ang plano ng Department of Health na magpataw ng price ceiling sa may 120 klase ng gamot sa kapakanan ng mga mararalita nating kababa­yan. 

Kung ikukonsidera ang napakaraming patong na ipi­naiiral ng mga pharmaceuticals sa presyo ng gamot, ma­hi­hinuha natin na puwede naman palang gawing abot-kaya ng mga mahihirap ang gamot na kailangan nila kung gugus­­tuhin. Pero bakit nagkakaganyan ang sitwasyon sa ating bansa? Ang mga dambuhalang multinationals na gumagawa ng gamot ay nagsasamantala para magkamal ng yaman. Hindi magagawa iyan kung walang maki­ki­pag­kutsabang matataas na opisyal ng pamahalaan simula pa noong araw.

Noong magkaroon ng Cheaper Medicine Act, akala ko’y tapos na ang problemang ito. Oo nga’t may batas na umoobliga sa mga doktor na magreseta ng mga generic medicines pero kahit ang mga ito ay apat na patong pa ring mas mahal. Kaya ayos ang planong magpataw ng price ceiling basta’t ang presyo ay makakapantay sa halaga ng gamot sa ibang bansa na mas mura.

Kahit ang mahihirap ay dina­rapuan din ng mga sakit na sinasabing “pangmayaman” gaya ng hypertension, cancer at diabetes. Huwag natin silang pagkaitan ng tsansang gumaling sa kanilang karamdaman.

PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with