Tapyas pondo sa DOH?
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2019 - 12:00am

PINANGANGAMBAHAN ng madlang poor people of the Philippines my Philippines na malamang matanggal sa trabaho ang mahigit 7,000 Filipino nurses partikular sa mga public hospitals at mga health centers next year.

Bakit?

Mukhang malabo na silang mabigyan ng maayos na sahod?

Paano?

Dahil sa tapyas-pondo sa 2020 budget ng Department of Health.

Sabi nga, mahigit P9.3 billion ang mawawala sa pondo nila.

Ano ang dapat gawin dito para hindi naman mawalan ng mga trabaho ang mga nurses at ang mga taga-health centers na malaking tulong sa mga mahihirap ang mga ginagawa nila.

Bakit?

Magkakaroon ng malaking budget cut ng Human Resource for Health Deployment Program ng DOH kaya kailangan pag-isipan ito ng mabuti ng gobierno. 

Baka kasi bukas makalawa ay wala na tayong mga nurses sa Philippines my Philippines at sa abroad na sila magtrabaho ?

Ika nga, mas malaki ang sahod nila doon at may pag-asang maging citizen sa America, London, New Zealand o Australian na sakaling pupuntahan nila para doon sila magtrabaho.

Kaya paging government of the Philippines my Philippines, mag-isip-isip muna kayo bago mahuli ang lahat!

Ano sa palagay ninyo? Abangan.                                                                                                                             

Magkaiba ang dalawa!

IKINATUWA este mali itinatwa pala ng ‘Ang Probinsyano’ partylist ang House Bill 4802, na naglalayong palawigin sa dalawang taon ang probationary employment mula sa kasalukuyang anim na buwan.

Ang Probinsyano spokesman na si Atty. Joco Sabio ay nagsabing ang HB 4802 ay inihain ng “Probinsyano Ako” partylist, at hindi ng “Ang Probinsyano”.

Sabi nga, ang may-akda na si Rep. Bonito Singson ay mula sa Probinsyano Ako at hindi sa Ang Probinsyano.

Wala palang kinalaman ang Ang Probinsyano party-list sa House Bill 4802, na naglalayong amyendahan ang Labor Code of the Philippines my Philippines at nagpapahintulot sa mga employer upang maiwasan ang regularisasyon ng mga empleyado sa kanilang workforce.

Ika nga ng Ang Probinsyano partylist, hindi sila kumakatawan sa posisyon ng Probinsyano Ako.

Sabi nga, magkaiba ang dalawa!

DEPARTMENT OF HEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with