EDITORYAL - Idaan sa ‘butas ng karayom’ang iuupong PNP chief
(Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2019 - 12:00am

DISMAYADO si President Duterte sa Philippine National Police (PNP) na niyayanig sa isyu ng “ninja cops’’ o ‘yung mga pulis na nagre-recycle ng shabu na kanilang nakukumpiska. Nang magtalumpati ang Presidente sa Manila Hotel noong Huwebes, sinabi niya sa mga ‘‘ninja cops” na kung demonyo ang mga ito, mas demonyo siya.’’ Ito ang ikalawang pagkakataon sa loob ng isang linggo na nanggigil sa galit ang Presidente dahil sa “ninja cops”. Noong nakaraang Lunes, pinagmumura niya ang mga matataas na pinuno ng PNP dahil sa “ninja cops”.

Nataon nang araw ding iyon napilitang bumaba sa puwesto si PNP chief Oscar Albayalde at itinalaga namang officer-in-charge si Lt. General Archie Gamboa. Ang pagbibitiw ni Albayalde ay kasunod  nang imbestigasyon sa Senado ng 13 “ninja cops”. Inakusahan si Albayalde na “inaarbor” ang kanyang mga tauhan na nang-raid sa bahay ng Korean drug lord noong Nobyembre 2013 sa Mexico, Pampanga na nakakumpiska ng 200 kilos ng shabu pero 38 kilos lamang ang dineklara. Pinakawalan ng mga pulis ang Koreano kapalit ng P50 milyon. Si Albayalde ang hepe noon ng Pampanga provincial police. Tinawagan umano ni Albayalde si Gen. Aaron Aquino at nakiusap na huwag ipatupad ang order sa mga tauhan. Tinawagan din si Gen. Rudy Lacadin at sinabing “kaunti lang naman ang napunta sa akin d’yan”.

May katwirang madismaya ang Presidente sapagkat sa simula pa lang maigting na ang kampan­ya ng pamahalaan sa illegal na droga. At walang siyang alam na tutulong sa kanya sa pagpapatupad ng kampanya kundi ang mga pulis. Para maisaayos ang kalagayan ng mga pulis, tinaasan niya ng suweldo ang mga ito. Katwiran niya, kapag malaki ang suweldo, hindi na gagawa ng kasamaan. Pero nagkamali ang Presidente sapagkat lalo lang gumawa ng kabalbalan ang mga pulis. Para kumita nang malaki, nag-recycle ng droga.

Ngayong nadawit ang kanyang inindorsong si Albayalde, maaaring mag-ingat na ang Presidente sa pagpili ng iuupo na PNP chief. Maaaring dumaan sa butas ng karayom ang gagawin niyang pagpili.

Sana ang mapipili niyang PNP chief ay may “kamay na bakal” na handang basagin ang pulis na scalawags at sangkot sa droga. Hindi yung PNP chief na sa halip sibakin ang nagkasala, ipo-promote pa. Nakakahiya!

PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with