Tapos na ang boksing, Bongbong
KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2019 - 12:00am

SA wakas isa sa mga araw na ito maglalabas na ng desisyon ang Presidential Electoral Tibunal (PET) na maliwanag ang pagkapanalo ni Vice President Leni Robredo noong 2016 election. Sa 3 probinsiyang ipina-recount ni Bongbong Marcos ay maliwanag na inilampaso ng boto ni Leni si Bongbong.

Ang mabuting gawin ni Bongbong ay mag-move on na kasi habang nagpapa-recount siya ng boto ay hindi nababawasan ang score ni Leni bagkus nadadagdagan pa di ba? Lumobo pa ng 15,093 votes sa recount? Saka wala nang saysay ang protesta dahil iprinoklama na ng Comelec si Leni. Maliwanag lang na walang pandarayang nangyari sa pagka-vice president noong nakaraang election.

Para sa akin tapos na ang boksing at knockout na si Bongbong. Sa wakas, tapos na ang pag-aalinlangan ng ating mga kababayan na baka maagaw ni Bongbong ang puwesto ni VP Leni. Ano pa ba naman ang hinahabol ni Bongbong? Puwesto sa gobyerno? Kung gusto niya tumakbo ulit siya sa 2022 election at labanan uli si Leni. Malamang tumakbo rin si Grace Poe kaya karambola silang tatlo.

Sana tantanan na ang komedyang ito dahil hanggang ngayon, nananaginip pa rin ang mga Marcos na maaga­wan nila si Leni ng puwesto. Ipagpatuloy lang ang pananaginip dahil kapag inilabas na ng PET ang tunay na resulta, tuluyan nang magiging bangungot para kay Bongbong ang kanyang tuluyang pagkatalo sa 2016 Vice Presidential election.

Maliwanag na ayaw ng taumbayan sa mga Marcos. Ayaw nang balikan ang bangungot ng nakaraan. Sabi nga sa kasabihan, kung ano ang puno ay siya rin ang bunga. Gusto ba nating iparanas sa ating mga anak ang hirap ng buhay martial law tulad ng pamumuno ng amang diktador Ferdinand E. Marcos?

I hope history does not repeat itself.

PRESIDENTIAL ELECTORAL TIBUNAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with