Alaming mabuti ang nakaraan
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

SA Antipolo naman ngayon. Operasyon kontra iligal na droga na may kaduda-dudahan na naman. May dismissal order para sa 7 pulis na tila hindi pinatutupad na naman. At ang 4 sa 7 pulis ay kabilang din sa grupong inimbestigahan ng Senado hinggil sa “ninja cops”. Ito ang grupo ni Major Baloyo na sangkot sa kontrobersiyal na buy-bust operation sa Mexico, Pampanga noong Nobyembre 2013.

Mukhang hindi talaga makapigil sa kalokohan, katiwalian o kasamaan ang 4 na pulis na ito. Dahil hindi pinatupad ang dismissal order sa kanila noong inim-bestigahan para sa operasyon noong 2013 sa Pampanga, nasangkot na naman sa ibang katiwalian. Iyan ba ang pinagmamalaki ng PNP? Iyan ba ang serbisyo sa tao na sinasabi ni dating PNP chief Oscar Albayalde, na nabanggit ko na rin “mga tao niya” ang 4 na ito? 

Inutos ni PNP OIC Lt. Gen. Archie Gamboa na alamin ang status ng dismissal order laban sa 7 pulis na sangkot sa operasyon sa Antipolo at kung bakit hindi pinatupad kaagad. Baka katulad ng dismissal order laban sa 13 pulis sa pamumuno ni Baloyo, ibinabaon sa limot o ginagapangan na ng paraan para makalusot.

Kaya hinihiling ng PNP-Internal Affairs Service (PNP-IAS) na gawin na silang hiwalay sa PNP para mas mabigyan ng proteksiyon ang mga nagiging biktima ng katiwalian mula sa kapulisan. Ang nangyayari raw ngayon ay kapag may reklamo sa kanila, hanggang doon na lang dahil natatakot ang mga naagrabyado o mga testigo. Isipin na lang ninyo, ang mamamayan ang takot sa pulis. Alam na may mali na kaagad sa bansa.  

Ito ang imahe na nais baguhin ni Lt. Gen. Gamboa. Tama ang mga utos niya na ipagbawal ang mga pulis na maglaro ng golf tuwing weekdays at ngayon inaalam kung bakit may dismissal order na hindi na naman ipinatutupad. Dapat masipa na mula sa PNP ang 7 iyan at kasuhang kriminal na kaagad.

Pero sa lahat ng gustong gawin ni Gamboa, may oras ba siya para gawin ang mga ito? Kung siya ang magiging kapalit ni Albayalde, mabuti. Kung hindi ay sana naman alamin ang buong nakaraan ng pipiliin. Tila hindi inalam nang mabuti o hindi binigyan ng halaga ang nakaraan ni Albayalde kaya napili pa maging PNP chief. Ngayon naglabasan na ang mga kontrobersiya.

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with