Jueteng sa CamSur, lumarga na!
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

HABANG abala sa pagkalkal ang Senate Blue Ribbon Committee sa kabalbalan ng mga tinaguriang “ninja cops’ na humantong sa pagdeklara ni PNP chief  Gen. Oscar Albayalde ng non-duty status, nagpalakpakan naman ang ilang jueteng operator sa Bicolandia at sinamantala ang pagkakataon para mailatag ang kanilang illegal na aktibidad. Wala kasing hahadlang sa kanilang operasyon dahil nakatutok ang lahat sa magiging kahinatnan ni Albayalde. Lingid sa kaalaman ng mga kapulisan, malayang nakapagbobola ng jueteng sa 22 lugar sa Albay.

Noong Huwebes, isang impormasyon ang aking natanggap mula sa mga concerned citizen na nagsasabing bukas na ang operasyon ng jueteng sa 22 dalawang siyudad at bayan sa Camarines Sur.  Ayon sa impormasyon, matining na ang operasyon dahil naayos na nila ang mga kapulisan at maging ang local officials kung kaya tabo-tabo na naman ang kinakamal nilang pera mula sa illegal na sugal, hehehe!

Ang mga lugar na tinutukoy ay ang Sipocot, Cabusao, Ragay, Minalabac, Pasacao, Naga City, Bombon, Camaligan, Canaman, Pili, Goa, Tigaon, Sagñay, San Jose, Lagonoy, Iriga, Buhi, Baao, Bato, Balatan, Nabua at Bula. Inaasahang dadami pa ito sa mga darating na araw dahil ang mga kapitalista ng jueteng sa kalapit na Albay at Quezon ay gumagapang na rin ngayon na malatagan ng kanilang illegal na negosyo.

Isang Rudy Santos umano na kilalang jueteng lord ang nakatrangko sa kanilang lalawigan. Walang bukambibig umano ito na super lakas niya sa mga pulitiko at kapulisan kaya walang maglakas ng loob na salakayin at patigilin siya sa kanyang pa-jueteng. Ayon pa sa sumbong, matindi ang dating umano nito dahil ginagasgas nang husto ang pangalan nina Congressman LRay Villafuerte, Governor Migz Villafuerte, PNP Bicol Regional Director Arnel Escobal at Camarines Sur PD Colonel Roderico Roy Jr. kaya walang humahadlang sa kanyang pa-jueteng.

Ang tumatayong overall coordinator naman ay nagngangalang Nonoy Magtoto na pinsan umano ng nagpapakilalang bagman ni LRay Villafuerte. Matindi nga si Santos dahil ayon pa sa ipormasyong nakarating sa akin, malakas ang koneksiyon nito sa  mga opisyales ng Camp Crame, NBI at PNP CIDG. Alam kaya ni DILG Secretary Eduardo Año at OIC PNP chief Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa na lantaran na ang jueteng sa Camarines Sur?

Sa tingin ng mga concerned citizen ng naturang lalawigan, lolobo na naman ang krimen sa kanilang lugar kapag hindi nasawata ang pa-jueteng ni Santos. Kaya ang panawagan nila kay Año at Gamboa, kumilos ang mga ito para mapatigil ang jueteng sa kanilang lugar. Mga Sir, pakibanatan n’yo po ito. Abangan!

JUETENG OSCAR ALBAYALDE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with