Babaing senior citizen, sinapak ng Bgy. Chairman!
BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2019 - 12:00am

UNANG takbuhan ng bawat mamamayan ang barangay. Bilang may kapangyarihan, responsibilidad ng barangay ang kaayusan at katahimikan ng kanyang nasasakupan. Problemang malaki kung ang tinatawag na “ama o ina” ng barangay ang butangero’t abusado.

Mula pa Negros Occidental ang sumbong. Ang pinag­mulan, away ng mga babae noong pista ng barangay. Ang kapitan ng Bgy. Manta-angan, E.B. Magalona, Negros­ Occidental na si Elmer Samanion, imbes umawat, sina­pak at ipinakulong ang 66-anyos na ginang. Ang siste ng pananawsaw ni Samanion sa gulo ng mga babae, kapatid pala ng chicks niya ang kaaway!

Nakakainit ng ulo, imbes sumunod sa batas at mama­gitan sa kaguluhan, siya pa ang unang nanakit at nang-abuso. Kapitan, lalaki ka ba talaga? O matanda lang ang kaya mong patulan?

Ayon kay Usec. Martin Diño ng Department of Interior and Local Government (DILG), malaki ang pananagutan ni Samanion! Ginamit niya ang kapangyarihan bilang opis­yal ng pamahalaan para manakit, malaki itong pag­labag sa batas. Pormal na tinanggap ni Usec. Diño ang reklamo’t nakatakdang magpunta ang mga biktima sa kan­­yang opisina. Kapag di tumugon sa imbestigasyon ng DILG ang chairman, diretso sa Ombudsman ang kasong grave abuse of authority.

Sinubukan ng BITAG Pambansang Sumbungan na kunin ang panig ni Samanion pero hindi ito sumagot sa aming mga tawag. Nakaabot na marahil sa kumag na nasa tanggapan namin ang mga nagrereklamo. Sige, magtago ka. Ngayong umabot na sa Pambansang Sumbungan ang kawalanghiyaan mo, may kalalagyan ka. Hindi ka makakatakbo sa parusang naghihintay kapag napatunayan ang pang-aabusong ginawa mo. Tatayo ang BITAG sa mga bik­­tima mo sa ngalan ng serbisyo publiko.

SENIOR CITIZEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with