^

PSN Opinyon

Matalinong pangungutang

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NOW a days mahirap maiwasan ang magkaroon ng utang.

Tama!

Bakit?

Sapat lang ang kita ng madlang Pinoy kaya naman kapag may nagkasakit sa pamilya umuusok na ang puwitan ng pobreng alindahaw dahil sa mga gastusin sa gamot o ospital, puera pa rito ang bayarin sa eskuelahan. Kaya naman may mga pagkakataon na umisip ng negosyo para kumita o kailangang maghanap ng mauutangan.

Ika nga, hindi lahat ay may pang-collateral sa bangko oras na nangailangan ng salapi.

Isang alternatibo ang tinatawag na micro-finance o micro-lending.

Sabi nga, smart phone lang puede kang makipag-transaksyon hindi tulad noon na may seminar pa o training para ka makahiram ng pera.

Kailangan lang mag-ingat. May mga kompanyang mapagsamantala sa mga user ng ganitong app. Kamakailan lang may inimbestigahan ang SEC at ang National Privacy Commission, ang ilan sa mga ganitong kompanya. Natuklasang galing sa China ang ilang kom-panya. Ang iba naman ay hindi lisensiyado at kuwestiyo-nable ang pakikitungo sa mga user ng kanilang app.

Kaya sa mga mambabasang nangangailangan at naghahanap ng mahihiraman, heto ang ilang tips para siguradong hindi kayo malalagay sa alanganin:

Mangutang lamang kung matindi ang pangangaila-ngan at may siguradong mapaglalagyan ng puhunan.

Hindi dapat mangutang para lang sa mga magarbong luho!

Sabi nga, gumamit lamang ng microlending app na mula sa mapagkakatiwalaang kompanya.

Halimbawa nito ang PondoPeso. Kung titingnan mo ang mga balita tungkol sa mga pinasuspinde ng SEC, hindi kasama ang PondoPeso. Lisensiyado kasi sila. Ibig sabihin, kailangan nilang sumunod sa mga patakaran at regulasyon ng ating gobyerno. Tumataas din ang halagang puwede mong hiramin habang tumatagal ang iyong paggamit ng kanilang app.

Basta ang importante gawing priority ang pagbabayad sa hiniram.

Tandaan may interes ang panghihiram. Sa kaso ng mga lehitimong microlending app gaya ng PondoPeso, mas mataas ito nang kaunti kaysa ibang panghihiram. Wala kasi silang hinihinging collateral, para kahit karaniwang madlang Pinoy ay makagamit ng kanilang serbisyo.

Para maiwasan ang pagpapatong-patong ng interes, magbayad sa tamang oras! May advantage kapag mas malaki ang mahihiram dahil mas malaki ang magagamit sa puhunan, mas malaki ang simula ng iyong negosyo.

Dati, malalaking negosyo lamang ang nakakagawa  ng ganitong diskarte. Meron kasi silang pang-collateral. Ang resulta: ang yumayaman lang ay ang dati nang mayaman. Ngayong meron nang microlending, puwede nang magkaroon ng puhunan kahit mahirap. Kailangan lang ng disiplina at kagustuhang tuparin ang mga pangarap.

Hindi kinakailangang maging masama ang pangu-ngutang. Kung magiging matalino sa panghihiram, ito pa nga ang magiging susi sa pag-ahon sa kahirapan.

Ano sa palagay ninyo?

vuukle comment

PAMILYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with