^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Apurahin, pagsasaayos ng Light Rail Transit 2

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Apurahin, pagsasaayos ng Light Rail Transit 2

PINAMAMADALI ni President Duterte ang pagsasaayos ng nasirang rectifier ng Light Rail Transit 2 (LRT 2). Tila hindi nasisiyahan ang Presidente sa sinabi ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na aabutin ng siyam na buwan bago maayos ang nasirang bahagi ng riles sa Katipunan Station dalawang linggo na ang nakararaan. Ayon sa LRTA, manggagaling pa ng United Kingdom ang nasirang parts ng rectifier.

Ibig sabihin, siyam na buwan na magdurusa ang mga kawawang commuters ng LRT 2. Mahi­git 200,000 ang pasahero ng LRT 2 araw-araw. Sa kasalukuyan, hanggang Cubao Station lamang ang biyahe mula sa Recto Station. Nananatili pang sarado ang Katipunan, Anonas at Santolan.

Nasunog ang rectifier noong gabi ng Oktubre 5 dahil tinamaan umano ng kidlat. Dahil sa pagkasira, apektado ang mga empleyado at estudyante. Halos lahat nang sumasakay sa LRT 2 ay mga estudyante. Kaya malaking perwisyo ang pagkasira sapagkat dalawa o tatlong sakay ang kailangan nilang gawin para makarating sa school o makauwi sa bahay. Araw-araw nakasanayan na nilang mag-LRT mula Santolan, hanggang Recto Avenue. Sa kasalukuyan, kailangan nilang makipagbalyahan para makasakay sa dyipni patungong Cubao Station. Mas mahirap din kung pauwi sapagkat panibagong kalbaryo ang susuungin para makasakay.

Hindi nila akalain na ganito ang kanilang sasapitin na sobrang hirap sumakay at halos maki-pagpalitan na sila ng mukha sa pakikipag-agawan sa dyipni at iba pang maaaring sakyan para makara-ting sa school o trabaho. Hindi ba maaaring bilisan ang pagsasaayos? Mas lalong titindi ang kalbaryo ng commuters ngayong holiday season sapagkat maraming tao ang lalabas para mag-shopping. Dapat maibsan ang kanilang paghihirap sa pagsakay.

Panahon na para imodernisa ang mass transportation na gaya ng train. Masyadong atrasado na ang kalagayan ng mga train sa bansa kung ikukumpara sa Hong Kong, Japan at Thailand.

Hindi lamang LRT 2 ang dispalinghado kundi pati ang MRT 3 na pasakit din ang dulot sa commuters. Tumitirik ang MRT 3 at nasusunog kaya walang magawa ang commuters kundi bumaba at maglakad na lang.

Pag-ukulan ng pansin ng pamahalaan ang mass transport. Maglaan nang malaking halaga para mapaganda at maimodernisa ang mga train. Tapusin ang kalbaryo ng daang libong commuters.

vuukle comment

LIGHT RAIL TRANSIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with