^

PSN Opinyon

Pacman, sabak ulit sa pelikula

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

AKO’Y isa sa milyong tagahanga ni Pambansang Kamao Sen. Manny Pacquiao. Sabi nga sa kasabihan “master of all trades, master of none!” Pasok na naman si Pacman sa pelikula at gagampanan ang buhay ng rebolusyunaryong heneral na si Miguel Malvar. Para sa akin, bayani na ring maituturing si Pacman dahil sa karangalang inambag sa ating bansa. Naging popular ang mga Pinoy sa larangan ng boxing.

Kilala si Pacman na lahat nang trabaho ay gustong pasukin, mapa-sport man ‘yan pag-arte at pulitika. Wala pa akong nakitang boksingero na naabot ang 8 world title sa professional boxing. Sa kabilang banda, masasabi kong boxing ang kailangan niyang talikuran dahil medyo nagkakaedad na siya.

Oo nga’t malakas pa siya at kaya pang patumbahin ang kalaban pero isaalang-alang sana ang kalusugan. Hindi na niya kayang ubusin ang kinita sa boxing. Maraming paraan ng pagtulong sa kapwa. Kilala si Pacman na ibinabahagi niya ang kanyang pera sa kababayang mahihirap.

Wala nang dapat patunayan pa dahil buong mundo ang saksi sa kanyang mga laban. Sa Senado naman, maganda ang kanyang pakitang gilas at sang-ayon ako sa kanyang isinusulong na death penalty na sana kaun-ting pursige at papasa na ang batas.

Tulad ng mga dati niyang ginawang pelikula ay tinangkilik ito ng mga manonood. Dahil nga maraming umiidolo kay Pacman hindi ito mabubutata at kikita ang pelikula tulad din ng mga isinasapelikulang buhay ng mga ba-yani. Pero matuloy kaya ito dahil ang mga apo ni Heneral Malvar ay kumokontra sa pagganap ni Pacman.

Hinay-hinay lang din baka masobrahan ng popularidad, baka manawa ang mga tao. Mag-concentrate na lang sa isang karera. Maganda naman ang takbo ng pulitika para sa kanya. Malay natin maging Presidente sa susunod.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with