Mga baboy na binaboy sa Quezon City night market, hulog sa BITAG!
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - October 16, 2019 - 12:00am

Tayong mga Pilipino, likas na ang pagkahilig sa pagkain ng karne. Mapa-okasyon man o simpleng hapunan, ‘di nawa­wala ang baboy sa hapag. Pero paano kayo nakasisigurong ang hinahain niyo sa inyong pamilya ay ligtas kainin?

Marami yata ang naalarma sa pagkalat ng African Swine Flu (ASF) kamakailan sa ating bansa at nakakatanggap kami ng mga tip tungkol sa maruming pagproseso ng mga ibinebentang baboy sa mga palengke.

Isang tip ang natanggap ng BITAG tungkol sa maru­ming paghawak at pag-imbak ng mga baboy na ibinabagsak sa Novaliches Public Market. Ora mismo, minanmanan ng BITAG Night Strikers ang lugar at dito nakunan ng aming camera ang kababuyan sa mga ibinebentang karne ng baboy.

Mula sa van ay parang basurang initsa lang sa gutter ang mga karneng baboy. Nakalapag lang sa sahig ng palengke. Kung anu-anong mikrobyo na yata ang pinagdaan bago makarating sa mga plato ninyo.

Ang nakakaloko pa rito, walang tatak ang mga van na nagdedeliver ng mga baboy. Hindi tuloy alam kung galing nga sa mga authorized farm ang mga karne. Hindi rin refri­girated ang loob ng mga ito kaya mag-iisip ka kung ang laman nito ay sariwa pa ba o botcha na.

Ang tanong, paano ito nakakalampas sa pamantayan ng National Meat Inspection Service (NMIS)? Kinapanayam namin on air sa Pambansang Sumbungan, Aksyon ora Mismo ang Enforcement Unit Head ng NMIS na si Dr. Domingo Gonzaga.

Aminado siya na mali nga ang proseso ng pagbabagsak ng mga karneng baboy sa mga night market sa Quezon City. Naghihigpit naman daw sila sa pagpapatupad ng kanilang protocol pero may nakakalusot lang daw talaga.

Hindi ito ang unang beses na nakatanggap kami ng ganitong klaseng sumbong. Minsan na rin naming ginising ang mga natutulog yata sa pansitang mga inspektor ng NMIS. Pero heto ulit, mukhang mayroon nanamang nagpapabaya.

Nangako naman ulit sila na makikipagtulungan ang kanilang ahensya sa amin para maaksyunan ang matagal nang problema sa sanitation ng mga ipinagbibiling karne sa palengke.

Mga boss, kalusugan ng bawat pamilyang Pilipino ang pinaguusapan dito. Kung kayo ho ay nakakita ng kung anumang sa tingin n’yo ay paglabag diyan sa mga lugar n’yo, walang masama kung magbigay ng tip sa amin.

Kami sa Pambansang Sumbungan, mata at tainga ng bayan. Hindi natutulog ang pagtrabaho  namin sa mga sumbong at reklamo naming natatanggap. Aksyon ora mismo, beinte kuwatro oras!

 Hindi ito ang unang beses na nakatanggap kami ng ganitong klaseng sumbong. Minsan na rin naming ginising ang mga natutulog yata sa pansitang mga inspektor ng NMIS. Pero heto ulit, mukhang mayroon na­namang nagpapabaya.

Nangako naman ulit sila na makikipagtulungan ang kanilang ahensya sa amin para maaksyunan ang matagal nang problema sa sanitation ng mga ipinagbibiling karne sa palengke.

Mga boss, kalusugan ng bawat pamilyang Pilipino ang pinaguusapan dito. Kung kayo ho ay nakakita ng kung anumang sa tingin n’yo ay paglabag diyan sa mga lugar n’yo, walang masama kung magbigay ng tip sa amin.

Kami sa Pambansang Sum­bungan, mata at tainga ng ba­yan. Hindi natutulog ang pagtrabaho  namin sa mga sum­bong at reklamo naming natatanggap. Aksyon ora mismo, beinte kuwatro oras!

ASF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with