Kapag napuno na ang salop
REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda (Pilipino Star Ngayon) - October 16, 2019 - 12:00am

May dasal na karaniwang maririnig sa bibig ng mga humihiling ng pag-unawa: “God, grant me the serenity to accept the things I cannot change…’’

 Madalas nalalagay tayo sa sitwasyon na tila walang magawa upang mailayo ang sarili sa peligro o ‘di kaya’y maiangat sa hindi magandang kalagayan. Sa mga pagkakataong ito, lubhang sinusubukan ang ating pasensiya.

Nakatutulong ang pagdulog sa mas mataas na kapangyarihan upang higit tayong makapagtiis. Pinapadali nito ang pagtanggap sa katotohanan.

 Subalit kapag tinitimbang  ang laki at bigat ng binubuno o ng nawawala sa atin, maaring hindi tayo maging kasing­ mapagtiyaga. Katulad ng naging reaksyon ng mayorya sa pagmamaliit ni Presidential Spokesperson Sal Panelo at ng iba pang sumegundo sa kanya sa dinaranas nating kalbaryo sa traffic, hindi na magiging madali sa ating tanggapin ang mga bagay na hindi kayang baguhin.

 Mayroong deklarasyon ang mga eksperto ng kung gaano kalaki ang nawawala sa atin sa traffic. Ayon kay Urban planning specialist Felino Palafox Jr., halos 9 hanggang 15 years ang nababawas sa 69.3 years life expectancy ng karaniwang Pilipino itong 5 to 6 hours a day na naiipit tayo sa traffic. Kapag ganito ang realidad, masisisi ba tayo kung maubusan na rin ng pasensiya sa ating kalagayan? Hindi na katanggap-tanggap ang makarinig ng “relaks lang at makararating din tayo sa paroroonan”.

 Imbes na batuhin tayo ng apela sa ating pag-unawa; sa halip na aliwin tayo ni Atty. Panelo sa kanyang pagtanggap sa hamon na mamasahe at ramdamin ang dinaranas ng commuters; malinaw na kailangan nang umpisahan ang radikal na solusyon sa napakalaking tinik ng trapiko. Kung hindi pa kikilos ngayon, talagang mababaon na ang Metro Manila sa hukay na hindi nito matatakasan.

 Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, naumpisahan na rin ang mga importanteng infrastructure projects na ilang dekada na ring nakaumang. Sanay tapatan na ito ng ating Pangulo sa lalong madaling panahon ng kaukulang mga proyekto na naaayon sa tamang zoning at pagpaplano.

 Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, naumpisahan na rin ang mga importanteng infrastructure projects na ilang dekada na ring nakaumang. Sana’y tapatan na ito ng ating Pangulo sa lalong madaling pa­nahon ng kaukulang mga pro­yekto na naaayon sa tamang zoning at pagpaplano.

 

SALOP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with