^

PSN Opinyon

Hindi lang mga bilanggo, pati BuCor dapat repormahin (2)

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

HINDI mga opisyales at guwardiya ng Bureau of Corrections ang nasusunod kundi mayayamang bilanggo.‘Yan ang konklusyon ni Sen. Panfilo Lacson sa mga nabun­yag na katiwalian. Dahil sa karupokan ng mga taga-BuCor, lahat ng klaseng raket at krimen ay nagaganap sa loob ng preso. Ang mga sentensiyadong drug lords ay nagbebenta ng shabu sa loob at labas. Nakakapag-puslit ng starlet sa loob, sa suhol na P30,000 kada “tilapia­”. Meron ding smartphones, mas malaking suhol kung touchscreen kaysa manual keys. Pinasisira sa technicians ang signal jammers. Dati-rati may mga air-conditioned bungalows sa hardin para sa VIP convicts, pero binuwag na karamihan. Kapalit ay hospital pass-for-sale: imbes na “magpagaling ng sakit” nang isa o da­­la­wang araw, tumitira doon ang VIPs nang kalahating taon. Kapag nagkainggitan, pinaki-kidnap-for-ransom ang girlfriends sa mga kasabwat na kawatang pulis. Bente-kuwatro oras ang malakihang sugalan. Naglalako sa loob ng mga alahas, appliances, damit at pagkain. Dinodoktor at inuuna ang paglaya ng mga karumal-dumal na kriminal sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance law, sa suhol na P50,000-P2,500,000. At marami pang iba.

May nagpanukala na isailalim sa militar ang mga bilangguan. Pero hindi maari dahil bawal sa Konstitusyon mag­talaga ng sundalo sa sibilyang ahensiya. At maski puwede, mako-corrupt din ang marupok na sundalo. Ilang retiradong heneral na ng militar at pulis ang namuno sa BuCor simula 1986, pero lumala lang nang lumala ang korapsyon.

Ang kailangan ay sistema o batas na maraming checks and balances sa BuCor. Halimbawa, isailalim muli sa poder ng Secretary of Justice, ikalat ang mga preso sa bawat rehiyon at pabantayan ang pamunuan sa civic, religious at business clubs. At magtalaga ng matatapang na hepe at guwardiya, pero malimit iro-rotate ng destino.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with