^

PSN Opinyon

Maraming humanga kay Albayalde

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAG-EPEKTIBO kahapon ang inihaing “non-duty status” ni Philippine National Police chief Oscar Albayalde. Ginawa niya ito dalawang linggo bago ang kanyang pagreretiro at pormal na pagsasalin ng pamumuno sa 190,000 puwersa ng pulisya sa bansa. Marami ang hu­manga sa ginawa ni Albayalde dahil hindi siya kapit-tuko sa puwesto. Magandang hakbang ito para harapin ang mga akusasyon sa kanya, na iniimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa “ninja cops”.

Si Albayalde ay isinasangkot na may pinagtatakpan sa mga dati niyang tauhan sa pangunguna ni Maj. Rodney Baloyo. Kaya para maging malaya ang imbestigasyon sa kanya, minabuti niyang mag-“non-duty status” para harapin ang mga iniaakusa sa kanya ni dating Criminal Investigation and Detection Group chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong. Na-pressure nang husto si Albayalde dahil mahigit 6 na taon na ang nakalipas bago ito napagtuunan ng pansin ng Blue Ribbon Committee. Sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang pagli-leave ni Albayalde ay hindi nangangahulugan na guilty ito.

Tatlong beses nang naimbestigahan si Albayalde subalit hindi nakasuhan. Mula nang manungkulang PNP chief si Albayalde puro trabaho ang kanyang ginawa. Sinunod ang kautusan ni President Duterte ukol sa kampanya sa droga. Maraming na-accomplished ang PNP sa pamumuno niya. Ang internal cleansing ay naging pa­ngunahing programa ni Albayalde kaya mahigit 500 pulis ang nasibak. Subalit ang kanyang accomplishment ay naglaho nang makaladkad sa “ninja cops”.

Maraming haka-haka na pinulitika si Albayalde upang sirain ang irerekomenda niya bilang bagong PNP chief. Pati ang Presidente ay napintasan dahil sa pagpili kay Albayalde. Subalit sa tingin ko naman, nagampanan nang maayos ni Albayalde ang mga iniatas ng Presidente. Maging si DILG Secretary Eduardo Año ay nagsabing “gentleman’s act” ang ipinamalas ni Albayalde sa PNP at sa sambayanan.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with