EDITORYAL - Kidnapping, umaariba pa rin sa Mindanao
(Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2019 - 12:00am

SA kabila na nasa ilalim ng martial law ang Min­danao, patuloy pa ring namamayani ang kidnapping sa nasabing rehiyon. Mula nang lusubin ng Maute group ang Marawi noong 2017, idineklara na ang martial law doon para mapigilan ang mga kaguluhan. Pero hindi rin ito nakapigil sa mga kidnapper sapagkat nagpapatuloy pa rin ang pagdukot. Nakakalusot pa rin ang mga masasamang loob na nagdudulot naman ng takot sa mga dayuhang nais magtungo sa Mindanao. Sino ba ang magnanais magtungo sa isang lugar na nag-aabang ang mga kuko ng kidnapper?

Pinaka-huling biktima ng mga kidnapper ang isang negosyanteng British at kanyang Pilipinang asawa sa Tukuran, Zamboanga del Sur noong Biyernes. Ayon sa report, dakong 6:30 ng gabi nang dumating ang mga armadong lalaki na sakay ng motorized banca at puwersahang isinama ang mag-asawa. Mabilis na umalis ang mga bangka sa magkaibang direksiyon. Ang mag-asawa ay may-ari ng isang resort at meron din ang mga itong eskuwelahan.

Hanggang sa kasalukuyan, wala pang lead ang pulisya kung saan dinala ang mag-asawa. Wala rin umanong komokontak sa mga kamag-anak ng biktima. Blanko sila sa motibo ng pagkidnap. Umapela ang pulisya sa sinumang nakakita sa grupo at mga biktima ay ipagbigay-alam sa kanila. Nag-offer na ng P1-milyon ang provincial government ng Zam­boanga del Sur sa makapagbibigay ng inpormasyon sa mga kidnappers para matugis ang mga ito at ma-rescue ang mag-asawa.

Isang negosyo ang kidnapping sa Mindanao na karaniwang ginagawa ng mga bandidong Abu Say­yaf. Nagkakapera nang malaki ang Sayyaf sa pangi­­ngidnap at hindi mahuli-huli ang mga ito sapag­kat pinagtatakpan ng mga tao sa kanilang lugar. Naki­kinabang din sila sa pamemera ng mga bandido.

Ang puspusang paghahanap sa mga kidnapper ay dapat isagawa. Kailangang malipol ang mga kidnapper sa Mindanao para huwag matakot ang mga nagnanais bumisita sa bansa. Pawiin ang takot na ang bansa ay lungga ng kidnappers. 

MARTIAL LAW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with