Epektibo ba ang lifestyle check?
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2019 - 12:00am

IMINUMUNGKAHI raw ng Malacañang ang pagsasa­gawa ng lifestyle check sa mga kasapi ng Philippine National Police kasunod ng pagsabog ng issue tungkol sa mga ninja cops na sangkot sa recycling at muling pagsasa­pamilihan ng mga nakumpiskang shabu.

Siyempre, kung lilitaw na biglang lumaki ang assets ng mga pulis, ordinaryong miyembro man o may mataas na ranggo, malamang na kasangkot sila sa mga katiwalian.

Sa government service, isang rekesitos sa mga empleyado at opisyal na magharap taon-taon ng kanilang statement of assets and liabilities na nagtatala ng kani­lang hawak na ari-arian at salapi. Ito ay naglalayong­ ma-monitor ang financial standing ng mga kawani at opis­yal at malaman kung sino yung mga nagsasaman­tala sa kanilang posisyon para magkamal ng kaya­manan. 

Pero papaano kung may mga dummy ang mga tiwa­ling pulis na ito na kunwa’y siyang may ari ng kanilang i’ll-gotten wealth? Ang sino mang kurakot na opisyal o maging ordinaryong kawani ay matatalino, kaya nga gina­­gamit ang kukote pati sa kawalanghiyaan. Kasama na sa kanilang pagpaplano sa pandarambong ang pag-iisip ng paraan kung paano maikukubli ang kanilang nakaw na yaman.

Usually, may mga corrupt officials na ipinipinta ang kani­lang public image  na anti-corruption crusaders, nun pala ay may nakaimbak na malaking perang ninakaw sa kaban ng bayan sa mga banko sa ibang bansa na ang gamit nila ay iba-ibang pangalan. Minsan naman, may mga na-acquire na lupain na nakapangalan sa mga ka­ibigan o kamag-anak na mapagkakatiwalaan nila.

On the front, ipakikita nila sa tao na sila’y nakatira sa ordi­naryong bahay at may mumurahing kotse lamang. No one will ever see these people live in an ostentatious lifestyle. Kaya ang lifestyle check, bagama’t mabuti ang layunin ay kaduda-duda kung epektibo sa pagtunton ng mga magnanakaw sa pamahalaan. Puwede itong gawing bahagi ng imbestigasyon, subalit it shouldn’t be the end all and be all para madiin o maabsuwelto ang isang opisyal o kawani ng pamahalaan.

RECYCLING SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with