Klase ng headache at mga gagawin kapag nakaranas nito
DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2019 - 12:00am

ANG tatlong klase ng headache ay:

1. Tension headache -- Pakiramdam na parang may headband sa noo at mahigpit o masikip sa noo at likod ng ulo. Kapag hinawakan ang balat, masakit sa anit, leeg o balikat. Nangyayari ito dahil sa stress, galit, pag-aalala, lungkot at kaba.

2. Migraine headache -- Masakit ang kalahating parte ng ulo. Nakakaramdam nang pagkahilo, nasusuka, sensitibo sa liwanag at ingay. May makikitang warning signs gaya ng umiilaw, blank spots at iba’t ibang kulay.

3. Cluster headache -- Ang sakit ay gumagawi sa may mata, mukha, ulo, leeg at balikat. Sobra ang sakit. Maka­raranas din ng pamumula at pagluluha ng mata.

Kadalasan sumasakit din ang ulo ng mga bata at teenagers sa ilang kadahilanan tulad ng stress sa eskuwela, kaibigan at pamilya. Minsan, masakit ang ngipin, o may impeksiyon sa taynga o lalamunan.

Mga gagawin kapag nakaranas ng pagsakit ng ulo:

l Kung migraine headache, iwasan ang mga triggers na pagkain, kumain ng regular 3 beses sa 1 araw at uminom ng sapat na tubig.

l Magkaroon ng sapat na tulog, huwag magpupuyat.

l Kung mag-eehersisyo, piliin ang kaya ng inyong katawan o yung mga magagaan lamang.

l Relaxation technique: magpamasahe, meditation, ang paliligo nang maligamgam na tubig ay makatutulong para mabawasan ang sakit ng ulo.

l Cold compress para sa masakit na ulo. Warm compress sa masakit na muscle.

l Iwasan ang sobrang mapagod pati na ang sobrang lamig o init.

Kumunsulta sa Neurologist kung sobra ang sakit ng ulo, sobrang hilo, nagsusuka, walang balanse, may mataas na lagnat at kung nawalan ng malay.

HEADACHE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with