Binuksan na
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2019 - 12:00am

MAY sapat na impormasyon na raw ang Senado para magdesisyon si Pres. Rodrigo Duterte kung ano ang gagawin kay PNP chief Gen. Oscar Albayalde. Ito ang naging sagot ni Sen. Dick Gordon na namumuno sa imbes­tigasyon sa pahayag ni Duterte na kailangan niya ng malinaw na ebidensiya na sangkot si Albayalde sa iligal na droga. Sa dalawang pagdinig ng Senado sa “ninja cops”, lumabas nga ang umano’y pag-alala ni Albayalde sa kanyang “mga tauhan” o ang grupo ni Major Baloyo na malinaw na nagsisinungaling. Malinaw na hindi nag-isip bago nagtungo sa Senado. Hindi inisip na pinaghandaan siya nang husto. Marahil ay dahil tao nga siya ng hepe ng PNP ngayon at inisip na hindi siya pababayaan. Ngayon nakakulong sa Bilibid dahil sa contempt.

Si Albayalde nga mismo ay nagkaroon ng lakas ng loob matapos magpahayag si Duterte. Nagsalita na raw ang Presidente kaya dapat mag “move on” na mula sa isyu ng ninja cops. Dahil ba nagsalita na si Duterte ay dapat tumigil na ang lahat? Handa naman daw siya na humarap sa anumang imbestigasyon.

Binuksan na nga ni DOJ Sec. Menardo Guevarra ang bagong imbestigasyon sa mga ninja cops dahil may bagong ebidensiya laban sa kanila. Kung hindi pa nagsalita sina PDEA director general Aaron Aquino at Baguio mayor Benjie Magalong na dating chief ng CIDG ay mababaon na sa limot ang kasong ito at walang haharaping kontrobersiya si Albayalde at mag-eenjoy na lang ng buhay ang grupo ni Baloyo.

Alam kaya ni Duterte ang kasong ito nang piliin niya si Albayalde na PNP chief? Baka nga hindi alam dahil droga ang isyu. Kaya siguro ipinagtatanggol si Alba­yalde dahil siya nga ang pumili. Wala namang dapat ikaba­hala si Albayalde dahil nagsalita na nga si Duterte. Sa kanyang pagretiro ay bibigyan din siya kaagad ng po­sisyon. Kung ang kontrobersiyal na si Nicanor Faeldon ay binigyan ng ilang posisyon, hindi ba?    

Kung walang dapat ikabahala si Albayalde, dapat mag-alala na ang grupo ni Baloyo. Kung makalusot pa sa imbestigasyong ito na tama lang na demotion ang pinataw sa kanila, ewan ko na lang. Sa rami ng kumontra sa mga pahayag ni Baloyo dapat lang lumabas kung ano talaga ang naganap sa operasyon sa Mexico, Pampanga noong 2013.

OSCAR ALBAYALDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with