Import, importante
REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda (Pilipino Star Ngayon) - October 9, 2019 - 12:00am

NAGING palaisipan ang paglaro ng mga imported pla­yers sa ating mga ligang pangkolehiyo nang muling binuhay ni Cong. Mikee Romero ang panukalang pagbawal ng imports. Ang isang malaking dahilan nito ay ang development ng local basketball talent. Inaakalang makaka­gipit sa mga domestic players ang mapunta sa imports ang mga posisyong sana’y naging kanila.

Ang kaso, ang isa sa binibiyayaan ng pagkakaroon ng imported players ay ang mismong development ng local basketball talent. Ito’y dahil makikinabang tayo nang husto sa karanasan at training na makukuha kapag nakikipagsapalaran ang lokal sa mga imports na kakaibang antas ang galing. 

Ang ganitong pilosopiya ay hindi tinatawaran, lalo na sa paggamit ng imports, naturalized players o ang paghanap ng mga Fil-foreign na manlalaro na tanggap naman nating­ dumadagdag sa galing ng ating mga pambansang koponan. 

Exhibit A – Gilas basketball team na may naturalized player na wala ni isang patak ng dugong Pinoy, si Andray Blatche. Mayroon din itong Fil-foreigner na hinihila kung sinusuwerte, ang NBA player na si Jordan Clarkson. Exhibit B – ang Azkals football team na halos ang buong team ay napuno na ng talentong galing sa abroad, basta may dugong Pinoy. 

Ang bumubulusok sa kasikatan ngayon ay ang women’s volleyball. Pinakasikat na liga nito ay ang mga college leagues. Wala pa namang imports na ginagamit dito subalit hindi malayong magsiuwian na at dito mag-aral ang mga Fil-fo­reign players. Siyempre, basta anak ng Pinoy, Pinoy ding ituturing at maaari itong makatulong agad sa susuwer­tehing koponan.

Nandito na nga at bahagi na ng Philippine National Womens Volleyball Team sina Kalei Mau at Alohi Robbins Hardy na pawang mga collegiate players sa Amerika. Pag-uwi nila rito ay siyang sinungkit agad ng national team at ngayon ay magiging haligi ng ating kampanyang manalo sa Nobyembre sa South East Asian Games. 

 Pag-aralan sanang mabuti ang panukala nang matingnan kung kailangan ba talagang ipagbawal ang imports o kung ito ay kritikal na bahagi ng ating pag-unlad sa palakasan. 

MIKEE ROMERO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with