Ang Makabayan bloc, bow
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - October 9, 2019 - 12:00am

IBINIDA ng Makabayan bloc na inilantad nila ang malalaking budget cuts para sa batayang serbisyo gaya ng edukasyon, kalusugan, at pabahay, sa kabila ng malalaking dagdag para sa congressional and presidential pork, black budget o intelligence and confidential funds lalo na kay Boss Digong, at militaristang programa ng administrasyon.

Nagtagumpay tayo sa paglalantad ng mga ito sa kabila ng napakaiksing panahon at untransparent na prosesong binigay ng liderato ng House para sa pinakamahalagang batas bawat taon.

Hindi ang paglalantad ng mga tumuligsa sa anti-people 2020 budget ang dapat tukuying “sloppy work” ng House leadership kundi ang sariling mga kilos at proseso niya.

Ayos ba?

Abangan.

Shabu sa NAIA

HINDI nakalusot sa mga alertong tauhan ni Bureau of Customs District Collector Mimel Talusan ang tangkang pagpuslit sa Philippines my Philippines ng 8 kilong shabu na dinala ng isang Indonesian passenger matapos na madiskubre sa loob ng kanyang trolley bag habang nasa loob ng customs area ng NAIA terminal 3.

Kinilala ng mga otoridad ang suspek na si Agnes Alexandra, nasa hustong-gulang at pasahero ng Cebu Pacific flight 5J 528 galing Siam Reap, Cambodia.

Si Alexandra ay lumapag sa NAIA terminal 3 bandang alas-2:30 ng madaling araw pero nang isalang sa x-ray machine ang kanyang bagahe ay minarkahan ito ng X o alerted baggage dahil sa kahina-hinalang laman na nasa loob nito dahilan upang buksan ng Customs Inspection Project personnel.

Nataranta ang suspek nang tumambad sa mga otoridad ang kulay puting powder na nakabalot sa aluminum foil at itim na plastic na nasa loob ng trolley bag.

Kinausap ng PDEA agents ang dayuhan pero mariin nitong itinanggi na sa kanya ang nakitang shabu kundi may isang tao na nag-abot sa kanya ng trolley bag habang nasa Cambodia airport.

Gayunman, ang suspek ay sinampahan ng kaukulang kaso sa piskalya.

Ang nasabat na shabu ay tinatayang aabot sa P54 milyon.

ANTI-PEOPLE NAIA PRESIDENTIAL PORK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with