Repormado ba ang 22,000 pinakawalang bilanggo?
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - October 7, 2019 - 12:00am

PINAHUHULI ng Malacañang ang mga bilanggong pina­kawalan ng Bureau of Corrections mula 2013 hanggang 2019 sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance law. Ito’y sa gitna ng balita na paspasan at maanomalya ang proseso. Kumokontra ang mga civil libertarians. Anila ang sistema ng hustisya ng matitinong bansa ay dapat kumikiling sa agrabyado. Hindi lang umano biktima ng krimen ang naaagrabyado. Pati raw ang akusado na ipinapalagay na inosente hangga’t hindi napapatunayang maysala at ang sentensiyado na dapat asikasuhin ang kalagayan sa kulungan.

Mas rehabilitative kaysa retributive ang patakaran ng katarungan ng bansa. Ibig sabihin, binibigyan ng pagkakataon ang bilanggo na magbagong buhay, kaysa parusahan siya.

Pero totoong maanomalya ang proseso ng GCTA. Ehemplo si ex-mayor Antonio Sanchez, sentensiyado ng siyam na habambuhay dahil sa 1993 gang-rape at pagpatay sa dalawang magkaeskuwela at hiwalay pang pagpatay ng mag-amang kalaban sa pulitika. Dalawang beses siyang nahulihan ng shabu sa National Penitentiary, 2006 at 2010. Nakatira pa siya sa air-conditioned bungalow sa hardin ng preso. At na-video na nakasuot ng slacks, kamisedentro, relos at alahas habang pinapayungan ng kapwa-bilanggo. Paglabag lahat ‘yon sa 49 diskwalipikasyon sa GCTA law. Pero muntik pakawalan si Sanchez. Buti na lang na-expose ng media at pinigilan ni President Rody Duterte.

Pero 1,914 na ang karumal-dumal na kriminal tulad ni Sanchez ang pinalaya. Ayon sa tala, apat sa bawat limang sentensiyado ay may kinalaman sa droga at dalawa sa lima ay sa direktang narco-trafficking. Nasuri ba ang 22,000 pinalaya kung totoong repormado batay sa mga panun­tunan? Natiyak ba kung merong sasalo sa kanila na ka­mag-anak, may skill at may naghihintay na trabaho? Kundi’y babalik lang sila sa krimen, lalo na sa kabisado nilang pinaka-madali: pagtutulak ng droga.

BUREAU OF CORRECTIONS GOOD CONDUCT TIME ALLOWANCE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with