Huwag i-recycle ang mga tiwaling pulis
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - October 7, 2019 - 12:00am

MALAKING kalokohan ang pagtatapon sa Mindanao ng mga pulis na sangkot sa katiwalian. Ang taong tiwali saan mo man italaga ay gagawa at gagawa pa rin ng katiwalian.

Umaangal tayo sa recycling ng shabu pero pinapayagan nating i-recycle ang mga pulis na bugok at salot sa lipunan? Wala yata sa hulog iyan. Dapat pumalag tayong mga mamamayan.

Kung matatandaan, si Presidente Duterte mismo ang nag-umpisa nito. Sinabi niya na ang mga alagad ng batas na gagawa ng katiwalian ay ipadadala sa Mindanao.

Kaya ang nangyari tuloy, yung mga kagawad ng Phi­lippine National Police na dawit sa recycling ng mga nakukumpiskang shabu ay itinatapon sa Mindanao imbes na patawan ng karampatang parusa nang naaayon sa itinatakda ng batas.

Unfair sa ordinaryong tao na kapag ang kasalanan ay pangangalakal ng droga ay idinedemanda at napapa­tawan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagka­kulong. Samantalang kapag pulis ang nasasangkot, lalo pa’t mataas ang ranggo ay nabibigyan lamang ng ibang assignment at may posibilidad pang ma-promote.

Tama si Senador Dick Gordon. Panahon na para itigil ang ganitong sistema ng pagdidisiplina sa mga pulis. Kung anong parusa ang itinatadhana ng batas sa salang nagawa nila, yun ang ilapat.  

Isa pa, malaking insulto sa Mindanao na gawing tapunan ng mga bugok na elemento ng pulisya. At bilang taxpayers, papayag ba tayong mga mamamayan na yung mga pinasasahod nating pulis na gumagawa ng katiwalian ay mananatili sa tungkulin? Ako hindi.

Maganda ang idea ng recycling ng basura pero huwag gawin ito sa mga basurang pulis, kahit Heneral pa!

DICK GORDON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with