Si Magalong vs. Albayalde
ORAMISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - October 4, 2019 - 12:00am

SA wakas inilabas na rin sa madlang public ang mga pangalan ng mga diumano’y ‘ninja cops’ para makilala sila ng madlang Pinoy sa Philippines my Philippines.

Sabi nga, salamat kay da­ting PNP-CIDG chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang 13 policemen na sangkot sa recycling ng illegal drugs sa Pampanga noong 2013.

Ang mga ikinanta ni Magalong sa pagdinig sa Senado ay sina Supt. Rodney Raymundo Baloyo IV; Senior Inspector Joven de Guzman Jr.; SPO1 Jules Maniago; SPO1 Donald Roque; SPO1 Ronald Santos; SPO1 Rommel Vital; SPO1 Alcindor Tinio; SPO1 Eligio Valeroso; PO3 Dindo Dizon; PO3 Gilbert De Vera; PO3 Romeo Guerrero Jr.; PO3 Dante Dizon; at PO2 Anthony Lacsamana na pawang mga miyembro ng Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force ng Pampanga Provincial Police Office.

Sabi ni Magalong inutusan siya ni dating PNP chief Alan Purisima noong 2013 na imbestigahan ang mga pulis sa Pampanga na namuno sa isang buy-bust ope­ration sa Woodbridge Subdivision, Lakeshore View, Pampanga noong Nob. 29, 2013, dahil nakakuha sila ng 38 kilong shabu.

Nakatanggap ng intel report noon si Purisima na sabay-sabay na nagkaroon ng sasakyan ang mga police officers kaya dapat silang imbestigahan.

Sa impormasyon nakalap hindi 38 kilos ng shabu lamang ang nakumpiska kundi 200 kilos pala lahat ito.

Naku ha!

Ano ba ito?

Nakalusot si Johnson Lee, isang Koreano at sinasabing drug lord sa ginawang operation ng pulisya dahil tinulungan daw ito ng mga barangay sa nasabing lugar.

Inalok pa raw ang mga barangay ng salapi ni Lee kaya medyo nagduda sila at tumawag ng mga police sa Mexico, Pampanga, para isuko ito.

Ang siste hindi pala si Lee ang ipinakita ng PNP Pampanga sa mga media kundi isang kamote este mali Ding Wenkun pala.

 Sabi nga, P50 million ang ibinigay ni Lee para ito makalaya.

Maraming ikinuento si Magalong sa Senado kaya  laking gulat ng mga Senador nang marinig nila ang revelation ng una.

Bukod dito, ibinida rin ni Magalong na bumaha ng shabu sa Pampanga noon at nagmura pa ito sa merkado.

Bagsak presyo ang shabu P4,000 per gramo o P4 million isang kilo.

Bakit?

Over supply!

Sa kuento ni Magalong, sinibak sa puwesto ni dating Region 3 police director Chief Supt. Raul Pet­rasanta si dating Senior Supt. Oscar Albayalde na ngayon ay CPNP.

Sinampal este mali sinampahan pala ng kaso ang 13 opisyal ng PNP pero hindi ito umusad hanggang magretiro si Magalong noong 2016.

Ipinag-utos din ni Pet­rasanta na tanggalin sa puwesto ang 13 dahil sa grave misconduct pero na-demote lamang ng isang ranggo ang 13.

Ito ngayon ang matinding usapin sa Philippines my Philippines kung ano ang mangyayari rito sa mga ibinulgar ni Magalong.

Ano kaya sa palagay ninyo? Abangan.

ALBAYALDE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with