^

PSN Opinyon

Sino ang tunay na nagwagi

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAY lumang kasabihan na walang natatalo sa eleksyon kundi nadadaya lang. Nananabik na ang taumbayan sa desisyon ng Presidential Electoral Tribunal kung sino talaga kina nakaupong Vice President Leni Robredo at dating Se­nador Bongbong Marcos ang tunay na nagwagi sa VP race.

Si Bongbong Marcos ay naghain ng protesta laban sa pagkapanalo ni Vice President Leni Robredo na hang­gang ngayo’y wala pang desisyon.

Nang iproklama ng Kongreso bilang Bise Presidente si Robredo tatlong taon na ang lumipas, dumulog agad si Marcos sa Korte Suprema. Ani Marcos, nagkaroon daw ng malawakang dayaan noong 2016.

Sa kanyang tatlong causes of action, nasopla ng Korte si Marcos sa alegasyon na nagbabahid ng duda sa bisa ng certificates of canvass na ginamit ng Kongreso para iproklama si Robredo. Ibinasura ng PET ang cause of action­ porke wala raw itong patutunguhan. Pinapili si Bongbong ng Korte kung alin sa dalawang natitirang causes of action ang gusto niyang tahakin—kung magkakaroon ba ulit ng bilangan, o ang hindi kilalanin ang mga boto sa ARMM. Pinili ni Marcos ang pangalawang cause of action, at dahil dito, inutusan siyang pangalanan ang tatlong probinsya na magpapatunay na nadaya siya sa halalan. 

Umusad  ang recount sa tatlong probinsya. Nakakuha na tayo ng mga ulat na natapos na ang bilangan at imbes na patunayang tama si Marcos, ipinapakita ng mga numero na lumaki pa ang lamang ni Robredo. Ang ulat na ito ay naipasa na sa PET para pagpasyahan. 

Malapit na raw ibaba  ang desisyon sa resulta ng recount sa tatlong probinsya. Ito ay ayon mismo kay Supreme Court Justice Lucas Bersamin. Pero nagulat ang marami, ngunit, nang ianunsyo ng tagapagsalita ng Korte na wala pang aksyon ang mga mahistrado. Bakit?

Ano ba talaga ang pumipigil sa Korte Suprema?

Kung lumabas sa bilangan na lumaki ang lamang ni Rob­redo, bakit hindi na ibasura ng Korte ang kaso sa lalong madaling panahon, ayon din sa sarili nitong mga panuntunan?

Balita ko, pilit sinusubukan ng kampo ni Marcos na isalba ang naghihingalo nilang protesta, at pailalim na naghahanap ng paraan upang kumbinsihin ang Korte na ituloy ang ikatlong cause of action, kahit pa hindi nila mapatunayan na nagkaroon nga ng dayaan noong halalan. Ito na marahil ang huling pag-asa ni Marcos upang hindi malaos at patuloy na magtawag ng atensyon sa sarili. Pero hindi nadaya si Marcos. Natalo siya—at matatalong muli dahil sa kawalan ng basehan ng kaniyang protesta.

Sa lasing-kawing na pagkatalong ito, marapat na sigurong palitan ang kahulugan ng BBM: hindi na Bongbong Marcos kundi Bye Bye Marcos. 

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with