^

PSN Opinyon

Dalawang opisyal nagbanggaan

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

NAWIWINDANG ako sa mala-teleseryeng tinatakbo ng hearing sa Senado. May dalawang mataas na opisyal ng gobyernong nagpaplastikan. Kunwari ay okay sila. Nagkamayan pa bago naupo sa hot seat. Nagpakadisente naman pero hindi pa rin maitanggi na may problema talagang namamagitan sa dalawa. Dapat resolbahin ang problema sa pribadong kuwarto.

Hindi ko alam kung kanino ako papanig sa dalawa. Hindi basta-basta ang mga ahensiyang pinamumunuan dahil sa kanila nakasalalay upang sugpuin ang krimen at droga sa bansa. Dapat hindi sila nag-iiringan o nagbabang­gaan. Hinahangaan at iniidolo kayo ng marami nating kaba­bayan dahil sa ipinamalas na trabaho kaya dapat tul­d­u­kan na ang namumuong alitan nina PNP chief Gen. Oscar Albayalde at PDEA Director Aaron Aquino.

Kung maaalala n’yo ang mga mamahaling kotse na na­tuklasan ng Bureau of Customs (BOC) sa mga container van. Sa kadahilanang walang tamang import permit, dinurog ang mga ito at siniguradong hindi na puwedeng pakinaba­ngan pa hanggang sa pinakamaliit na parte. Ang tanong ko ay ito, ang mga illegal na drogang nakukumpiska ay nasaan na? Ang punto ko ay ito, sana ganundin ang gawin kapag nakakumpiska ng shabu. Tunawin na agad upang hindi na maikalat.

Sa aking obserbasyon, padrino ang umiral kaya hindi matanggal sa serbisyo ang “ninja cops”. Huwag sipain lang sa serbisyo ang mga ito dapat ikulong din nang habambuhay. Kaya patuloy ang droga sa merkado sa kabila ng war on drugs ni President Duterte ay dahil nasa serbisyo pa ang “ninja cops”.

Nakalulungkot lang dahil nakakaladkad ngayon sa kontrobersiya si General Albayalde na tunay kong kinabibiliban. Sana, tapusin na ng mga senador ang teleseryeng ito na nagsimula sa GCTA na umabot hanggang sa “ninja cops”.

vuukle comment

AARON AQUINO

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with