^

PSN Opinyon

Mga dahilan ng sakit ng ulo

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ANG sakit ng ulo ang pinaka-madalas nararamdaman ng mga pasyente.

Narito ang mga dahilan ng pagsakit ng ulo:

  • Stress, depression, tension, kaba, lungkot, pag-aalala at galit.
  • Kung nakakuba o poor posture, hindi aligned ang gu­lugod o spine, matigas ang mga masel sa balikat at arthritis, may rayuma sa buto ng leeg at pagtigas ng panga.
  • Sa migraine headache, ang mga pagkain na may tyra­mine ay maaaring magdulot ng sakit ng ulo tulad ng cocoa, tsokolate, keso, soy products, toyo, alak, vetsin, caffeine, pre­served na karne na may nitrites gaya ng hotdogs, bacon, pepperoni.
  • Maaaring sumakit ang ulo kung mababa ang blood sugar, pagdidiyeta, pagpupuyat o kulang sa tulog, sobrang pagtatrabaho o sobrang ehersisyo.
  • Nakakasakit ng ulo ang pag-iiba ng klima o weather na kung minsan ay sobrang init o sobra naman lamig.
  • May mga gamot na kadalasang mayroong side effect kasama ang pagsakit ng ulo.
  • Kung bago o habang may regla at menopause.
  • Ang high blood pressure ay nakakasakit din ng ulo.
  • Lagnat o kaya naman nauntog.
  • May mga taong may irritants sa ilong tulad ng pabango, thinner, pintura at rugby.

Isulat ang mga sumusunod para matulungan ang doktor na malaman ang sanhi ng pagsakit ng ulo:

  • Magtala ng araw at oras ng sakit ng ulo; lokasyon, at kung gaano ito katagal.
  • I-rate ang sakit from 1-10.
  • Ang dahilan na nakapagpa-trigger at pagkain na kinain.
  • Kung may kasamang sintomas.
  • Kung nasa lahi ng pamilya.
  • Mga gawain o stress level.
  • Menstrual cycle.
  • Gamot na iniinom.
  • Klima.
  • Trabaho o ang mga ginagawa.

Kumunsulta sa neurologist kung sobra ang sakit ng ulo, nahihilo, nagsusuka, walang balanse, may mataas na lagnat at kung nawalan ng malay.

vuukle comment

SAKIT NG ULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with