^

PSN Opinyon

Tunay na tagapagmana

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

NANG tumuntong sa hustong edad si Isabel, nagsampa siya ng reklamo sa korte para mabawi ang minanang lupa sa taong may hawak nito, si Peter na diumano ay pinagbentahan ng lupa ng mga magulang ni Fr. Jaime bago namatay. Katwiran pa ni Peter, hindi puwedeng maging anak ni Fr. Jaime si Isabel dahil siya ang legal na anak ng mag-asawang Maria at Manny.

Alinsunod daw sa batas (Art. 255 Civil Code), hindi maitatangging anak siya ng dalawa dahil isinilang siya 192 araw mula nang magpakasal ang dalawa. Saman­talang nakasaad sa batas na ang mga batang ipinanganak 180 matapos ang kasal pero 300 araw bago maghiwalay ang mag-asawa ay anak nila mali­ban na lang kung hindi imposible o kaya ay hindi nagawang makasiping ng lalaki sa kanyang misis sa loob ng unang 100 araw ng nasabing 300 araw. Mabigat daw ebidensiya ang birth certificate ni Isabel na nakalagay na sina Maria at Manny, hindi si Fr. Jaime, ang kanyang magulang.

Pero ayon sa hukuman at bandang huli, pati ng Supreme Court, may karapatan daw si Isabel na maging­ tagapagmana ng lahat ng ari-ariang naiwan ni Fr. Jaime at hindi kailangan na patunayan pa ang relasyon niya sa pari bilang anak nito. Sa kanyang huling testament, kinilala naman ni Fr. Jaime si Isabel bilang kanyang nag-iisang anak at tagapagmana.

Inaprubahan ng korte ang nasabing testamento, idagdag pa na namatay si Fr. Jaime na walang ibang tagapagmana maliban kay Isabel. Kaya sa ating batas, kinikilala si Isabel bilang kanyang solong tagapagmana. Sa ating batas, kapag namatay ang isang tao na walang compulsory heir, puwede niyang ipamana kahit kanino ang naiwang ari-arian basta’t may kaka­yanan na tanggapin ang mana sa kanya.

Dapat lang na mapunta kay Isabel ang dalawang parselang lupa, ang una at pangatlong parsela samantalang mapupunta naman kay Peter ang pangalawang parsela at kapiraso ng unang parsela na binenta naman sa kanya ng mga magulang ni Fr. Jaime (Aparicio etc. vs. Paraguya, G.R. L-29771, May 29, 1987).    

vuukle comment

LEGAL NA ANAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with