Shabu ‘di lumusot sa NAIA
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - September 30, 2019 - 12:00am

NASUNGKIT ng Bureau of Customs sa NAIA ang 5.16 kilos ng shabu na may street value na P35 million ng iwan ito ng isang pasahero na mabilis tumakas ng matunugan niyang aarestuhin siya sa may arrival area ng paliparan matapos itong dumating galing Hanoi, Vietnam sakay ng eroplano ng PAL flight 956.

Nagkaroon ng habulan sa airport pero humalo ang suspect sa mga dumating na pasahero kaya nawala itong parang bula sa NAIA.

Ikinuwento ni NAIA Customs District Collector Mimel Talusan, pinabantayan na niya ang drug mule sa kanyang mga alipores dahil may impormasyon na magpapasok ito ng kilo-kilong shabu nang umalis ito sa Hanoi.

Sabi ni Talusan,  nagkaroon ng joint effort ang operation sa droga na ginawa sa pagitan ng Customs Anti-Illegal Drugs Task Force at NAIA–Inter-Agency Drug Interdiction Task Group.

Ibinida ni Talusan, ang drug mule ay nahuli sa Tarlac City matapos silang makipag-coordinate sa PDEA Region 3.

Sasampahan ng kaso ang drug mule dahil sa paglabag sa Republic Act 10863 or Customs Modernization and Tariff Act and Republic Act 9165 also known as Comprehensive Dangerous Drugs Act.

BUREAU OF CUSTOMS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with