^

PSN Opinyon

Tunay na tagapagmana (Unang bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

ANG kasong ito ay tungkol sa sangkatutak na lupang sakop ng isang testamento (Last Will and Testament). Sa ilalim ng Civil Code (Art. 840 & 842), puwedeng ipamana kahit kanino ng isang taong walang tagapagmana ang lahat ng kanyang ari-arian basta gumawa siya ng testamento. Puwedeng kapiraso o kaya ay ang buong kayamanan niya ang ipamana ng namatay.

Ano ang ibig sabihin ng kakayahan na magmana? Kailangan pa kaya na magkadugo ang namatay at ang taong pamamanahan niya tulad ng isang anak na lalaki o babae? Ang mga isyung ito ang sasagutin sa kaso ngayon.

Ang kaso ay tungkol kay Maria na isang dalagang nakatira sa isang probinsiya sa isla. Nakipagrelasyon siya ng palihim kay Jaime, ang pari sa kanilang bayan na ang mga magulang ay may pag-aaring tatlong malalaking parsela ng lupa sa kanilang probinsiya. Dahil nga sa nangyari sa kanila ng pari ay nabuntis si Maria.

Mahigit apat na buwan na ang kanyang ipinagbubuntis nang magpakasal siya sa manliligaw niyang si Manny. Ginamit niya ang pobreng kababayan para maitago ang kahihiyan sa publiko. Si Fr. Jaime pa nga ang nagkasal sa kanila.

Pagkatapos ng kasal, hindi sila nagsama tulad ng ordinaryong mag-asawa.  Pero 192 araw pagkatapos ng kasal, ipinanganak ni Maria si Isabel at ang ipinarehistrong mga magulang niya sa birth certificate ay sina Maria at Manny.

Samantala, namatay naman ang mga magulang ni  Fr. Jaime at sila ng kapatid niyang si Carding ang nagmana sa mga naiwang lupang. Pinaghatian ng magkapatid ang mana pero bandang huli, namatay din si Carding at si Fr. Jaime.

Bago namatay, nakagawa pa si Fr. Jaime ng huling testament kung saan kinilala niya bilang anak si Isabel atitinalaga bilang tanging tagapagmana ng lahat niyang ari-arian at interes. Pinaaprubahan sa korte ang testamentong ginawa ni Fr. Jaime dalawang taon matapos siyang mamatay.

(Itutuloy)

CIVIL CODE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with