^

PSN Opinyon

Sinibak na Cabinet secretary 30 ang advisers/consultants

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MASASABI kong tagumpay ang kampanya ni Pres. Rodrigo Duterte laban sa droga at korapsiyon. Subalit hindi pa lubusang nalulutas dahil may mga nagpapalusot at ito ang humahatak pababa sa popularidad ni Digong. Su­balit hindi siya papayag na mangingibabaw ang kalokohan ng ilan niyang pinagkakatiwalaan dahil ipinangako niya sa sambayanan na wawalisin niya ang mga salot sa administrasyon kahit na malalapit na kaibigan na tumulong sa kanya noong eleksiyon. Sa ngayon, mainit na naman ang ulo ng Presidente dahil sa “recycling” ng droga na ginagawa ng “ninja cops” at  naka-payroll pa sa suspected “shabu queen” matapos ibulgar ni dating CIDG chief at ngayon ay Baguio City mayor Benjamin Magalong.

Ang pangalan ng “ninja cops” ay ibinigay na kay Duterte at isasapubliko na umano sa isang linggo. Kung inyong napapansin, may mga Cabinet officials siyang sinibak sa puwesto matapos mapatunayang nagkamal ng pera sa kanilang puwesto. Kaya walang puwang kay Duterte ang mga garapal kahit na pinagkakatiwalaan pa niya ang kalihim. Sinibak kamakailan ni Duterte ang isang mataas na opisyal dahil sangkatutak na alipores ang bitbit sa kagawaran. Ito ang napag-alaman ko mula sa isang reliable sources na nagbigay ng dokumento sa akin mula  sa ahensiya. Tatlumpo ang consultant at adviser ni Kalihim. Dalawa hanggang tatlo ang adviser­ na nagre-report­ sa opisina ni Kalahim kada araw. 

 Ang sahod ng adviser ni Kalihim ay P50,000 bawat buwan at ang  pinakamababa ay P30,000. Kapag kinu­wenta, ang average na sahod ng 30 consultants ay umaabot ng P1.2 million kada buwan. Mantakin n’yo,  hihintayin  na lang ng mga consultants bawat kinsenas ang kanilang  sahod sa ATM. Walang kapagud-pagod at gastos sa  pamasahe ang  mga ito  kahit sila ay manggaling man sa Visayas o Mindanao.  Bukod sa consultants, may dalawang secretary at tatlong close-in security pa si Kalihim. Nagpasasa rin daw ang mga ito sa  kagawaran bago masibak ang boss nila.

Isa pang kahindik-hindik na rebelasyon ng aking source ay ang pagkakatalaga ng isang barangay official mula  sa isang malayong  probinsiya na ginawang department head ng kagawaran kahit hindi illegible at kuwalipikado sa posisyon. Hanggang ngayon, ayaw pang umalis ng barangay official sa kanyang puwesto dahil malakas daw  ang kapit nito sa isang bagong elect na senador. Kapalmuks ang tawag sa kanya ng mga rank and file employees ng kagawaran. 

Abangan. Marami pang kababalaghan sa departamento ang isisiwalat  ng aking source tungkol sa mga corrupt na galamay ng dating kalihim.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with