^

PSN Opinyon

Raket ng insurance company, bistado ng BITAG!

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MARAMING insurance company ngayon ang ginagamit ang kanilang line of business upang makapanglamang ng kanilang mga kliyente. Bibigyan ka ng mga paikut-ikot na paliwanag para sa huli, naisahan ka nila.

Katulad na lamang ng sumbong sa amin ng isang matandang lalaking naka-aksidente ng kanyang SUV. July ng taong ito ay hindi inaasahang nahulog sa pala­yan ang minamaneho niyang sasakyan dulot ng malakas na ulan.

Ayon sa insurance company, total wreck na raw ang sasakyan kaya kukunin na nila ito. Habang ang perang makukuha sa insurance ay ibabayad daw sa financing company. Ibig sabihin, walang matitira sa owner ni singkong duling.

Umalma ang may-ari ng sasakyan dahil umaandar pa naman daw ang sasakyan na siya ring sinabi ng casa. Duda niya, may mga oportunistang nagkainteres lang sa kanyang SUV kaya ito idineklarang total wreck.

Ora mismo ay pinuntahan ng BITAG Strike Team ang opisina ng Standard Insurance Company sa Makati City. Pagdating pa lang sa lugar ay umalma na ang security guard at ilang staff nila. Hindi raw puwedeng idokumento ang pag-uusap pero wala silang nagawa nang iharap namin sa kanila ang complainant.

Paliwanag nila, hindi na raw mapapakinabangan ang sasakyan at mas malaki pa ang magagastos sa repair nito. Agad naman namin itong tinutulan dahil obligasyon naman nilang gastusan ang repair nito dahil insured nga naman ito sa kanila.

We did not let them get away with their cock-and-bull story kaya naman sa huli ay nakipagkasundo ang Standard Insurance Company na hahanap na lang sila ng mas murang talyer upang mas bumaba ang gastos sa repair ng SUV.

O, ibang kumpanya ng insurance diyan kuwidaw kayo sa mala-dorobo n’yong estilo ha! 

Kukunin n’yo ang sasakyan na kunwari total wreck at ang perang katumbas ay ibabayad kuno sa financing company? Ano ‘yan, katamaran, katangahan o sadyang panggagantso nang wala ng mapala ang kliyente?!

Basa na namin ang mga modus n’yo. May kukuha ng sasakyan para ayusin at saka ninyo ibebenta.

Kaya sa mga nakakatunog na tinatabla kayo ng mga insurance company n’yo, huwag mag-atubiling lumapit sa amin. Laging nakakasa ang aming mga patibong kaya malas lang nila pag nahulog sila sa aming BITAG.

vuukle comment

SUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with