May strong evidence kaya sa drug queen?
ORAMISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - September 26, 2019 - 8:33pm

Nag-‘Say Goodbye’ na sa kanyang mga kanayon sa  Algeciras, Sampaloc, Manila si Barangay kapitana Guia Gomez Castro, ang pinagbibintangan ng PNP-NCRPO na ‘DRUG QUEEN?’

Sabi nga,  going abroad na lang ang kapitana.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ibinida at inilabas sa madlang people ng mga autoridad ang diumano’y pagkakasangkot ni Gomez sa illegal drugs activities the other day, pero ang masama, mukhang walang strong evidence na hawak laban sa kanya ang batas.

Ika nga, raw information lang ata?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, oras na makakuha ng magaling na abogado si Gomez at nilabanan nito ang mga nag-aakusa sa kanya na siya ay isang ‘drug queen’ ay magkakaroon ng magandang bakbakan ito sa korte.

Sabi ng mga asset, siguro ang dapat munang kuwestiyonin kay Gomez ay kung paano nila naipatayo ang limang palapag na gusali r’yan sa Sampaloc o kung saan sila kumuha ng salapi para rito?

Dito sa palagay natin papasok ang AMLA para busisiin kung paano na-acquire ang property.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang building ni Gomez ay nakatayo katabi ang mga informal settlers sa kanilang lugar kaya nagtataka ang ilan kung paano sila nagkaroon nito?

Naku ha!

Baka naman tumama sa lotto o jueteng?

‘‘Hindi natin kinakampihan si kapitana, dahil kung talagang may ebidensiya na siya ay sangkot sa droga, dapat siyang managot sa batas,’’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Nagtataasan ng kilay ang ilang people kung bakit ngayon lang pinangalanan ni Major General Eleazar si Gomez na ‘drug queen?’

Bakit nga ba?

Ano sa palagay ninyo? Abangan.

* * *

56 years old retirement sa gobierno, isulong na 

PINAMAMADALI ni ACT Teachers partylist Rep. France Castro sa kapwa niya mambabatas sa Kamara ang pagbababa ng opsyonal na gulang ng pagreretiro ng mga empleado sa go-bierno na gawing 56 years old na lamang ito imbes na 60 years old.

Ayon kay Castro, noon pang 16th Congress itinutulak na ang panukalang batas na ito samantalang last 17th Congress ay nakapasa na ito sa ikatlo at pinal na pagbasa.

Ngayon, kailangan nang tumugon sa malakas na ingay ng mga empleado, ang civil servants na itinuon ang kanilang buhay para maglingkod sa bansa para pagpilian ang maagang retirement para tamasahin ang kanilang mga benepisyo sa pagreretiro hangga’t maaari.

Ano sa palagay ninyo? Abangan.

DRUG QUEEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with