Ninja cops, pangalanan na!
ORAMISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - September 25, 2019 - 12:00am

HINDI na dapat pang magpatumpik-tumpik ang mga Senador, kailangan ang agarang pagsasapubliko ng mga pangalan ng mga ‘ninja cops’ na sumira sa madlang people na lulong sa ipinagbabawal na gamot.

Kung hindi dahil sa ‘ninja cops’ na nagre-recycled ng mga droga ay malamang lumiit ng todo ang supply ng mga illegal drugs sa kalye.

Ano sa palagay ninyo?

Kaya para malamang ng madlang Pinoy at mapag-ingatan nila ang mga ‘ninja cops’, dapat ibulgar ang mga pangalan nila at kung saan sila naroroon.

Sabi nga, huwag na natin politikahin ang issue?

Total ibinulgar na ni dating CIDG chief at ngayon ay Baguio Mayor Benjie Magalong ang mga pangalan ng mga hunghang na ‘foolish cops’ o ninja cops kaya dapat na silang pangalanan na.

Tiyak ang listahan ng mga pangalan ng mga ninja cops ay matagal nang nasa kamay ni Boss Digong pero mukhang nakakalimutan silang panagutin sa kanilang mga kasalanan o kumukuha lamang ng timing para biglain sila upang sungkitin.

May mga ninja cops ang nasa 6 feet below the ground na kaya naman ang iba sa kanila ay parang mga dagang nagsusumiksik sa mga lungga para hindi sila makita o maamoy sa takot na makasama sila ni Satanas.

Sana huwag ng mag-aksaya pa ng oras ang Senado pangalanan na nila ang dapat pangalanan para sumikat ang mga ninja cops.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na alam naman ng mga taga-Crame ang mga pangalan ng ninja cops dahil natrabaho na sila noon pang aktibo pa sila sa kanilang mga kawalanghiyaan.

Ano pa ang inaantay ninyo?

Abangan.

Ang tsibug sa Lido Comida Tsina, Commonwealth

MALAKAS ang ulan the other day kaya naman ang mga kuwago ng ORA MISMO, ay nagpatila ng rain sa isang resto r’yan sa Commonwealth, Kyusi.

Sabi nga, sa Lido Comida Tsina, sila kumain.

Ano nangyari?

Masarap ang mga pagkain hindi ka magsisisi kaya subukan ninyong kumain dito.

Ang mga waitress na sina Glory ay nakaka-alis pagod porke bukod sa maamo ang mukha ay pirmi pa itong naka-ngiti tulad din ni Sheena ang kanilang manager.

Ano pa ang inaantay ninyo kain na sa Lido resto owned by Bro. Davidson Ngo.

Try it!

NINJA COPS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with