^

PSN Opinyon

Yucks! Probe uli sa hazing?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA halos kalahating dekada ko sa larangan ng pagba­balita, isang bagay ang napansin ko. Pare-pareho lang ang mga nangyayari pero iba-iba ang mga personalidad na nada­dawit at ang lugar na pinangyarihan. Totoo ang kasa­bihan na paulit-ulit lang ang kasaysayan. Marahil, kung itatala natin ang lahat ng mga napatay na mag-aaral dahil sa fra­ternity hazing, kukulangin ang maigsing espasyo ng kolum kong ito. 

Pare-pareho ang istorya na ang dulo ay imbestigas­yon ng Kongreso. Hanggang doon lang at walang positibong resulta. Nauulit pa rin ang mga nakalulungkot na pangyayaring ito na ang pinakahuli ay ang pagkamatay ni 4th Class PMA Cadet Darwin Dormitorio sa kamay ng mga fratmen.

Dahil sa pangyayari, nagpapanukala ang ilang mam­babatas sa Mababang Kapulungan na siyasatin ang insi­dente. Ang mga Congressional probe ay ginagawa upang maging giya ng mga  mambabatas sa pagbuo ng mga legis­lations para mapigilan na ang mga ganyang karumal-dumal na insidente.

Kung gaano karami ang mga naganap na fraternity related killings, ganun na rin karami ang mga nairaos na imbes­tigasyon ng dalawang Kamara. Ngunit napigilan ba ang mga fraternity hazing na pumapatay sa buhay ng mga kabataang pag-asa ng bayan? Hindi. 

Siguro, kahit ituring pang heinous crime ang hazing, masyadong matitigas ang ulo ng mga kabataan kaya hindi masupil ang gawaing ito. Ang hazing ay karaniwang ginagawa nang palihim at may code of silence ang mga frat­men na huwag ilaglag ang bawat isa kahit anong aberya­ ang mangyari.

Panahon na para gawing requirement ng paaralan na ikoordina ng mga fraternities ang gagawing initiation rites upang ang pamunuan ng pamantasan ay magtalaga ng kinatawang susubaybay sa ritwal. Dapat ding ikoordina sa lokal na departamento ng pulisya ang gagawing initiation upang magpadala rin ng mga pulis na magbabantay dito.

Tama ang panukalang ituring na heinous crime ang hazing kapag may buhay na nalagot sa proseso nito. Patawan ng parusang habambuhay na pagkakulong na walang pagkakataong lumaya. Iyan ang best deterrent para mabawasan, kung hindi man tuluyang mawala ang hazing.

vuukle comment

HAZING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with