^

PSN Opinyon

Suicides kumokonti na sa buong mundo

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KUMOKONTI ang pagpapakamatay sa buong mundo, ulat ng The Economist. Kapansin-pansin ito sa batang kababaihan sa China at India, mga lalaking paga-49 anyos sa Russia at sa matatanda sa lahat ng kontinente. Pero walang isang rason sa mabuting trend na ito.

Lumalaki ang balitang suicide kapag may celebrities na gumawa nito, o kaya’y kung sunud-sunod sa mga grupo ng estudyante. Pero ang good news ay bumagsak na ng 29% ang pagpapakamatay sa mundo simula taon 2000. Sa mga bansang Kanluranin, maraming dekada na ito nababawasan.

Sa Britain, halimbawa, umabot sa sukdulan ang suicides nu’ng 1934, panahon ng Depression. Sa Asya, kailan lang ito nagsimulang kumonti. Sa China nagsimulang mabawasan nu’ng dekada-1990s; sa Russia, Japan, South Korea at India, nito namang de­kada-2000s. Sa Europe patuloy ang pagbaba ng suicide rate, bagama’t mabagal.

Sa America lang baliktad. Dumami nang 18% ang suicides doon nitong siglo. Nu’ng 1990s kalahati lang ng sa China ang pagpapakamatay sa America. Ngayon doble na ito ng sa China.

Ganunpaman, malaki pa rin ang ibinawas ng suicides sa mundo. Naligtas ang 2.8 milyong buhay simula 2000. Tatlong beses ang dami nu’n kaysa namatay sa giyera sa parehong panahon.

Dati-rati sobrang daming batang babae ang nagpapa­tiwakal sa China at India; ngayon sa China nabawasan na ito nang 90%, at hindi nalalayo ang India. Dati-rati sa mundo mas maraming lalaki ang nagpapakamatay kaysa babae.

Sa Russia, nu’ng kumolapso ang Soviet Union, dumagsa ang alcoholics at suicides; ngayon humupa. Dati-rati mga matatanda ang grupong pinaka-mataas ang suicide rate; ngayon isa sila sa pinaka-mababa. Sa buong mundo humahaba na rin ang karaniwang buhay ng senior citizens: ang dating edad-60 ay 80 na.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

THE ECONOMIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with